Direk Lauren Dyogi, pinakita ang bahagi ng PBB house na ide-demolish

Direk Lauren Dyogi, pinakita ang bahagi ng PBB house na ide-demolish

- Pinakita ni Direk Lauren Dyogi ang Pinoy Big Brother house sa kanyang muling pagpunta kamakailan

- Aniya, kailangan nilang i-give up ang isang bahagi ng PBB house dahil na expire na raw ang lease contract at hindi na praktikal na i-renew ito

- Habang naglalakad sa loob ng bahay ay naging sentimental si Direk Lauren

- Pinasalamatan niya ang lahat ng staff, crew, hosts, former housemates at supporters ng Pinoy Big Brother

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbalik-tanaw si Direk Lauren Dyogi nang puntahan niya ang Pinoy Big Broother house. Naibahagi niyang ide-demolish ang isang bahagi ng bahay.

Direk Lauren Dyogi, pinakita ang bahagi ng PBB house na ide-demolish
Direk Lauren Dyogi, pinakita ang bahagi ng PBB house na ide-demolish (Photo from Flickr)
Source: UGC

Aniya, kailangan nilang i-give up ang isang bahagi ng PBB house dahil na expire na raw ang lease contract at hindi na praktikal na i-renew ito.

Pinasalamatan niya ang lahat ng staff, crew, hosts, former housemates at supporters ng Pinoy Big Brother.

Read also

Christian Bables, kasama si Jennica Garcia sa pagdiwang ng Mother's Day

“Special thanks to Ms. Linggit Tan for starting it all. Salamat ng marami lola LT. It’s an end of an era but hopefully we move on and find a better home in the future.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show kung saan kinakailanagan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na Pinoy Big Brother House. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa loob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Matatandaang magkasabay na araw na napalabas sa Bahay ni Kuya sina TJ Valderrama at Karen Bordador sa naganap na double eviction. Kaya naman hindi napigilang maikonekta ng mga netizens ang kanyang tweet sa kapwa niya evictee na si TJ. Naging mainit na usapin ang tungkol sa akusasyon ng mga manonood kay TJ kaugnay sa kung paano nito ituring ang isang kapwa housemate na mas bata sa kanya . Dahil sa isyung ito ay marami din ang inilabas na reaksiyon ng girlfriend ni TJ na si Cherry Malaya.

Read also

Lee O'Brian, nagsampa ng counter affidavit sa petition na sinampa ni Pokwang

Binalikan nina Alexa Ilacad at KD Estrada ang kanilang mga moments sa loob ng Pinoy Big Brother house. Ito ay bilang paggunita ng kanilang isang taon mula nang pumasok sila sa loob ng PBB house. Natawa na lamang silang dalawa nang mapanood nila ang video kung saan tinatawag pa ni KD ng "ate" si Alexa - Hirit ni Alexa, “Ate mo noon, baby mo na ngayon!" at sabay silang natawa dahil sa sinabing ito ni Alexa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel