Lee O'Brian, nagsampa ng counter affidavit sa petition na sinampa ni Pokwang

Lee O'Brian, nagsampa ng counter affidavit sa petition na sinampa ni Pokwang

- Nagsampa ng counter affidavit si Lee O'Brian sa isinampang petition for deportation ni Pokwang laban sa kanya

- Sa panayam ni MJ Marfori, sinabi ni Lee ay nirerespeto niya ang ina ng kanyang anak na si Malia O'Brian

- Aniya, lagi niyang iniisip ang kapakanan ng kanyang anak na aniya ay mahal niya

- Hiling niya na sana ay maging patas ang pagtingin sa kaso niya dahil aniya ay influential na tao ang nagsampa petition para sa deportation niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsampa ng counter affidavit si Lee O'Brian kaugnay sa isinampang petition for deportation ni Pokwang laban sa kanya. Sa panayam na binahagi ni MJ Marfori, hiling niya na sana ay maging patas ang pagtingin sa kaso niya dahil aniya ay influential na tao raw ang complainant.

Read also

Bea Alonzo at Lolit Solis, nagkita at nagkapatawaran na

Lee O'Brian, nagsampa ng counter affidavit sa petition na sinampa ni Pokwang
Lee O'Brian, nagsampa ng counter affidavit sa petition na sinampa ni Pokwang (@itspokwang27)
Source: Instagram

Aniya, nirerespeto niya ang ina ng kanyang anak at lagi niyang isinasa-alang-alang ang kapakanan ng kanyang anak.

Pinasalamatan niya rin ang lahat ng sumuporta sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Read also

Herlene Budol, desididong pagbutihan ang performance: "Everyday is a learning process"

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel