Alexa Ilacad at KD Estrada, binalikan ang kanilang PBB moments

Alexa Ilacad at KD Estrada, binalikan ang kanilang PBB moments

- Binalikan nina Alexa Ilacad at KD Estrada ang kanilang mga moments sa loob ng Pinoy Big Brother house

- Ito ay bilang paggunita ng kanilang isang taon mula nang pumasok sila sa loob ng PBB house

- Natawa na lamang silang dalawa nang mapanood nila ang video kung saan tinatawag pa ni KD ng "ate" si Alexa

- Hirit ni Alexa, “Ate mo noon, baby mo na ngayon!" at sabay silang natawa dahil sa sinabing ito ni Alexa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakilig nina Alexa Ilacad at KD Estrada ang KDLex fans sa vlog ni Alexa kung saan pinanood nila ang ilan sa kanilang mga video clips na kuha sa loob ng Pinoy Big Brother House. Parehas silang natawa nang napanood nila ang video kung saan ate pa ang tawag ni KD kay Alexa.

Read also

KD Estrada at Alexa Ilacad, ginawaran ng award bilang Asia’s Most Promising Loveteam 2022

Alexa Ilacad at KD Estrada, binalikan ang kanilang PBB moments
Alexa Ilacad at KD Estrada, binalikan ang kanilang PBB moments (@alexailacad)
Source: Instagram

Hirit ni Alexa, “Ate mo noon, baby mo na ngayon!" at sabay silang natawa dahil sa sinabing ito ni Alexa. Hindi naman maiwasang magbalik-tanaw ng kanilang mga fans:

Definitely one of the most requested vlog lex.. There were parts that i did cry, you are such a good person.. napaka buti ng puso mo. U know i started to stan u nung ndi mo ginamit ung power mo to auto nominate, dun palang kahit ndi kita kila2 personally i know in my heart you are a selfless person.
It's true that maturity doesn't always come with age, kasi you and kd are still young but you're full of wisdom. You're both so genuine.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

For someone who saw your journey inside PBB, I’m glad that you’re happy and healing na Lex. You deserve all the love in the word. Same goes with KD. Thank you Destiny!

Read also

Zeinab Harake at Wilbert Tolentino, lalo lang daw sinasaktan ang isa't isa sabi ni Ogie Diaz

Si Alexa Ilacad ay isang model, actress at singer sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at kamakailan, gumawa ng ingay sa pagiging celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Marami ang humanga kay Alexa nang pumasok siya sa PBB house. Isa sa naging malapit sa kanya sa loob ng bahay ay si KD Estrada. Nang makalabas na sila, lalong dumami ang supporters ng kanilang tambalan na KDLex. Sa katunayan, maging si Melai Cantiveros ay nagpahayag ng kanyang pagsuporta sa kanilang tambalan.

Kamakailan ay pinakilig nina Alexa at KD ang kanilang mga fans matapos nilang pagbigyan ang request ng mga ito. Isang Jowa Challenge ang kanilang ginawa sa pinakabagong video na binahagi ni Alexa sa kanyang YouTube channel. Naging maalaga si KD kay Alexa dahil hindi umano maganda ang kanyang pakiramdam at siya mismo ang bumili ng gamot para sa kapareha. Matatandaang unang nabuo ang tambalang KDLex matapos nilang lumabas sa Pinoy Big Brother bilang mga celebrity housemates.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel