KD Estrada at Alexa Ilacad, ginawaran ng award bilang Asia’s Most Promising Loveteam 2022

KD Estrada at Alexa Ilacad, ginawaran ng award bilang Asia’s Most Promising Loveteam 2022

- Binahagi ni Alexa Ilacad ang iginawad na parangal sa kanila ng kapareha niyang si KD Estrada

- Ginawaran ng sila ng award bilang Asia’s Most Promising Loveteam 2022 sa ginanap na 6th Asia-Pacific Luminare Awards

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ayon kay Alexa, nagkataon din ang natanggap na pagkilala sa ika-sampung buwan ng KDLex Sweethearts’

- Ito umano ang kauna-unahang award na natanggap nila bilang magkatambal

Binahagi nina KD Estrada at Alexa Ilacad ang kauna-unahang award na natanggap nila bilang magka-loveteam. Ginawaran ng sila ng award bilang Asia’s Most Promising Loveteam 2022 sa ginanap na 6th Asia-Pacific Luminare Awards.

KD Estrada, hindi inatrasan ang pag-make up kay Alexa Ilacad
KD Estrada, hindi inatrasan ang pag-make up kay Alexa Ilacad (@alexailacad)
Source: Instagram

Ayon pa kay Alexa, nagkataon din ang natanggap na pagkilala sa ika-sampung buwan ng KDLex Sweethearts.'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Our first ever award as a loveteam coincided with our KDLex Sweethearts’ 10th Monthsary! Thank you, for this recognition as Asia’s Most Promising Loveteam 2022 given during the 6th Asia-Pacific Luminare Awards held at Okada, Manila.

Bumuhos ang pagbati para sa dalawa na matapos maging bahagi ng Pinoy Big Brother ay naging isa sa kinakikiligang tambalan sa showbiz.

Samantala, sa kanyang YouTube channel ay kinakiligan ang KDLex sa bagong video na binahagi ni Alexa. Hindi naman inatrasan ni KD ang hamon na siya ang maglagay ng makeup ni Alexa.

Si Alexa Ilacad ay isang model, actress at singer sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at kamakailan, gumawa ng ingay sa pagiging celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Marami ang humanga kay Alexa nang pumasok siya sa PBB house. Isa sa naging malapit sa kanya sa loob ng bahay ay si KD Estrada. Nang makalabas na sila, lalong dumami ang supporters ng kanilang tambalan na KDLex. Sa katunayan, maging si Melai Cantiveros ay nagpahayag ng kanyang pagsuporta sa kanilang tambalan.

Kamakailan ay pinakilig nina Alexa at KD ang kanilang mga fans matapos nilang pagbigyan ang request ng mga ito. Isang Jowa Challenge ang kanilang ginawa sa pinakabagong video na binahagi ni Alexa sa kanyang YouTube channel. Naging maalaga si KD kay Alexa dahil hindi umano maganda ang kanyang pakiramdam at siya mismo ang bumili ng gamot para sa kapareha. Matatandaang unang nabuo ang tambalang KDLex matapos nilang lumabas sa Pinoy Big Brother bilang mga celebrity housemates.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel