Ogie Diaz kay Rendon Labador: "Sana naman tanggapin mo rin 'yung opinyon namin"
- Maging si Ogie Diaz ay napakomento sa mga umano'y nabitiwang salita ni Rendon Labador kay Michael V
- Ani Ogie, iba pa rin ang mainstream kumpara sa mga social media influencer na patuloy nang dumarami
- Kung talentado naman ang socmed influencer, malaki ang posibilidad na makapasok ito ng mainstream
- Dahil dito, sana'y tanggapin din umano ni Rendon ang kanyang opinyon tulad nang hiling din nitong pagtanggap sa opinyon niya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Maging si Ogie Diaz ay nagbigay na ng pahayag ukol mga nabitiwang salita ni Rendon Labador na patungkol umano kay Michael V.
Nalaman ng KAMI na nagbigay ng opinyon si Ogie at ikinumpara ang mainstream sa showbiz at mga social media influencers.
Iba pa rin 'pag nandito ka sa mainstream. Kasi sa social media, dami dami nila sa social media. Pero di maka-penetrate sa mainstream. Ngayon kung talented ka, pwede kang makapasok sa mainstream," ani Ogie.
"Hindi ito basta social media influencer ka e pasok ka na rin sa pag-aartista, hindi lahat. E sabi biya yun e na laos na. At least sumikat," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Parang yung motivational rice niya, hindi naka-motivate sa iba. O ibig bang sabihin, pwede naming sabihin na laos na 'yang motivational rice motivate na kumain ng motivational rice mo 'yung mga taga-mainstream, paano? Tatanggapin mo rin ba 'yun Rendon bilang opinyon namin? Ganun lang yun, kung tinanggap mo yung opinyon mo, na laos ang taga mainstream, e opinyon mo yan. Sana naman tanggapin mo rin yung opinyon namin"
Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update"
Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.
Matatandaang, nagbigay komento rin si Rendon kay Kean Cipriano matapos niyang makapanayam ang iba pang miyembro ng bandang Callalily na ngayo'y kilala bilang The Lily. Sa kanyang programa isiniwalat ng grupo ang dahilan 'di umano ng pag-alis ni Kean sa kanila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh