Rendon Labador, hindi sang-ayon sa pahayag ni Slater Young: "Huwag kang mandamay"
- Nag-react si Rendon Labador sa naging pahayag ni Slater Young sa kanilang podcast
- Ayon kay Slater, normal lang umano sa mga lalaki na mag-send ng larawan ng mga babae sa mga group chat at pagpantasyahan ang mga ito
- Umani ito ng mga komento at reaksiyon mula sa mga netizens kabilang na si Rendon
- Ani Rendon, normal lang daw ito para sa mga bastos na lalake at mga lalaking walang direksyon at purpose sa buhay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Umalma si Rendon Labador sa pahayag ni Slater Young na normal lang umano sa mga lalaki na mag-send ng larawan ng mga babae sa mga group chat at pagpantasyahan ang mga ito.

Source: Facebook
"'Yung mga group chat na may nagse-send ng photos of girls and like fantasizing over it, it's normal."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kabilang si Rendon sa mga nagkomento kaugnay sa pahayag niyang ito. Ani Rendon, normal lang daw ito para sa mga bastos na lalake at mga lalaking walang direksyon at purpose sa buhay.
Huwag kang mandamay! Normal lang 'yan sa mga bastos na lalake at mga lalaking walang direksyon at purpose sa buhay.
Unfocused weak men tend to distract themselves with pleasure."
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.
Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh