Mama Alawi, sobrang happy sa bagong alahas na ibinili sa kanya ni Ivana sa Bahrain

Mama Alawi, sobrang happy sa bagong alahas na ibinili sa kanya ni Ivana sa Bahrain

- Sobrang saya ni Mama Alawi na mabilhan muli ng anak niyang si Ivana ng mamahaling alahas

- Sa bagong vlog ni Ivana makikita kung paano siyang nakipagtawaran sa nagbibenta ng gold jewelry

- May katumbas na Php115,000 ang naturang alahas na nabili pa nila sa Bahrain

- Maging ang mga helpers ni Ivana ay bibigyan niya ng mga alahas bilang pa-remembrance daw niya sa mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang pagsidlan ng saya si Mama Alawi dahil sa binili ni Ivana para sa kanya.

Mama Alawi, sobrang happy sa bagong alahas na ibinili sa kanya ni Ivana sa Bahrain
Mama Alawi and Ivana (Ivana Alawi YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa umano itong bracelet na nakita nila ni Mama Alawi sa isang gold shop nang bumisita sila sa Bahrain.

Maging si Ivana ay nagandahan sa naturang bracelet ngunit nalaman nilang may kamahalan ito.

Subalit, kitang-kita na gustong-gusto talaga ito ng kanyang ina kaya naman sinubukan nilang tumawad.

Read also

Ivana, pinag-shopping ng alahas ang mga helpers: "Para meron silang remembrance"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Natuwa rin si Ivana na marunong mag-Tagalog ang seller mula sa Bahrain kaya naman binili na rin nila ito bilang regalo na rin sa kanyang ina.

"Okay. Because you speak Tagalog, how much again? Bhd 780," ani Ivana na ang naturang halaga ay may katumbas na nasa Php114,000.

Hindi naman matinag ang ngiti ni Mama Alawi nang magpasalamat siya kay Ivana.

Narito ang kabuuan ng bagong vlog ni Ivana:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.4 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Matteo Guidicelli, proud kay Sarah G: "Congratulations my love"

Samantala, kamakailan ay labis din niyang napasaya ang kanyang ina nang magpunta sila sa Paris, France.

Kitang-kita ang kasiyahan ni Mama Alawi na talagang dream destination daw ito at nais niyang masilayan ang Eiffel tower.

Sa naturang vlog rin makikita ang ilang behind the scenes ng photoshoot ni Ivana sa France na pawang isa ring Pinoy ang photographer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica