Ivana, pinag-shopping ng mga alahas ang kanilang helpers: "Para meron silang remembrance"

Ivana, pinag-shopping ng mga alahas ang kanilang helpers: "Para meron silang remembrance"

- Ipinag-shopping ni Ivana Alawi ng alahas ang kanilang mga masisipag na helpers

- Nang bumisita sila sa Bahrain, hindi nakalimutan ni Ivana na bilhan ng pasalubong ang mga kasama nila sa bahay

- Bukod dito, binisita na rin nila ang puntod ng ama at nagligpit din sa kanilang bahay doon

- Matatandaan kamakailan ay nagtungo rin sina Ivana sa France kung saan labis na nag-enjoy ang kanyang Mama Alawi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakalimot si Ivana Alawi na bilhan ng pasalubong ang kanyang mga naiwang masisipag na helpers sa Pilipinas.

Ivana, pinag-shopping ng mga alahas ang kanilang helpers: "Para meron silang remembrance"
Ivana Alawi
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nagtungo kamakailan si Ivana at kanyang pamilya sa Bahrain, para madalaw na rin ang puntod ng kanyang ama.

Nakapamasyal na rin sila at namili ng mga alahas na nagkakahalaga ng may katumbas Php13,000 hanggang Php116,000.

Read also

Rosanna Roces, hanga sa ugali ng Megastar: "Siya ang bababa sa lugar mo para kaibiganin ka

Bukod sa kanila, naalala rin ni Ivana na bilhan ang kanyang mga naiwang kasama sa bahay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pasalubong natin sa bahay. Sa mga helpers natin na masisipag. Para may ano sila, remembrance. So, matutuwa ang ating mga helpers sa pasalubong nila," ani Ivana.

Narito ang kabuuan ng kanilang Bahrain trip mula sa kanyang YouTube channel na Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.4 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Bobby Ray Parks Jr., napadaan umano sa 'trip to Japan' vlog ni Zeinab Harake

Lalong-lalo na noong kasagsagan ng pandemya, isa si Ivana na bagama't nag-iingat na hindi magkaroon ng COVID-19, gumagawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa mga kababayang labis na naaapektuhan sa pamamagitan ng pamimigay ng mga pagkain, pera at iba pa nilang pangangailangan

Samantala, kamakailan ay labis naman niyang napasaya ang kanyang ina nang magpunta sila sa Paris, France.

Kitang-kita ang kasiyahan ni Mama Alawi na talagang dream destination para umano masilayan ang Eiffel tower.

Sa naturang vlog rin makikita ang ilang behind the scenes ng photoshoot ni Ivana sa France na pawang isa ring Pinoy ang photographer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel