Cristy, hanga kina Sarah at Matteo: "Ang ganda-ganda ng samahan nilang mag-asawa"

Cristy, hanga kina Sarah at Matteo: "Ang ganda-ganda ng samahan nilang mag-asawa"

- Bilib umano si Cristy Fermin sa samahan ng mag-asawang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

- Kapansin-pansin umano ito sa mga pictures at video na sila'y magkasama

- Isa pa umanong kahanga-hanga sa dalawang ito ay ang pananatiling positibo sa kabila ng naging isyu umano sa kanila noong pagpapakasal

- Hangad nilang tuluyan nang magkaayos sina Matteo, Sarah at pamilya nito upang mas maging buo ang kasiyahang nadarama ng nag-iisang Popstar royalty

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hangang-hanga si Cristy Fermin sa samahan ng mag-asawang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Cristy, hanga kina Sarah at Matteo: "Ang ganda- ganda ng samahan nilang mag-asawa"
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo Guidicelli (@matteog)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bilib si Cristy sa mag-asawang ito na tahimik ang pagsasama.

Kitang-kita umano ito sa mga pictures at videos na naibabahagi madalas ni Matteo.

"Nakakatuwa, ang ganda ganda ng samahan nilang mag-asawa. Tahimik, wala kang maririnig na anumang alingasngas. Mapapanood mo nalang sa vlog nila magkasama silang namamasyal"

Read also

Vice Ganda, bibigyan ng puhunan ang street sweeper na Php145 ang kita kada araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, napakagandang impluwensiya ni Matteo na siyang nagpapakita umano kay Sarah kung gaano kaganda ang mundo.

"Ngayon pa lang si Sarah naaano sa mundo... Ngayon pa lang niya nalalaman ang mundo sa labas"

Dahil dito, hiling din namna nina Cristy at mga kasama nito sa Showbiz Now Na! na magkaayos na rin sina Matteo, Sarah at pamilya nito nang sa gayon, buo na ang kasiyahang nadarama ng nag-iisang Popstar Royalty.

"Isang araw po, darating po 'yan sigurado 'yan magkikita rin sila sa gitna. Hindi pwedeng ganyan ang sitwasyon," ani Cristy na inihayag din ang umano'y patuloy na pagsuyo ni Sarah at Matteo sa kanilang Mommy Divine at Daddy Delfin.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres.

Read also

Cristy Fermin, wala na umanong sama ng loob kay Willie Revillame

Sa naunang ulat ng KAMI, nabanggit umano nina Cristy Fermin ng Showbiz Now Na! na awang-awa na umano si Matteo Guidicelli sa kanyang misis sa sitwasyon nito sa kanyang pamilya. Katunayan, ito pa raw umano ang nagpabura noon ng post ni Sarah na umano'y humihingi pa rin ng tawad sa kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica