Xian Gaza, hanga kay Whamos Cruz: "Nawa'y tularan kayo ng ibang influencers"

Xian Gaza, hanga kay Whamos Cruz: "Nawa'y tularan kayo ng ibang influencers"

- Ibinahagi ni Xian Gaza ang umano'y paghanga niya kay Whamos Cruz

- Isa sa dahilan ay ang pagdadala ni Whamos sa kanyang pamilya sa Hong Kong

- Lalong-lalo na ang pag-aalaga ni Whamos sa kanyang asawa at anak maging sa kanyang ina

- Ayon kay Xian, pamarisan sana ng ibang influencers si Whamos sa kabutihang ginagawa nito sa kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Xian Gaza ang convo nila ni Whamos Cruz na umano'y hinahangaan niya.

Xian Gaza, hanga kay Whamos Cruz: "Nawa'y tularan kayo ng ibang influencers"
Whamos Cruz and family (@masterwhamos)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa pag-aalaga at pagmamalasakit ni Whamos sa kanyang pamilya.

Matatandaang kamakailan ay naisama ni Whamos ang kanyang pamilya sa Hong Kong maging ang baby na si Meteor.

Sa naturang convo, hayagang sinabi ni Xian ang paghanga niya kay Whamos.

Read also

Cristy Fermin, wala na umanong sama ng loob kay Willie Revillame

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Isa kang mabuting asawa at Padre de Familia. Diyan ako sobrang hanga sa'yo kasi ayan 'yung isang bagay na hindi ko kaya. Stay happy with your family"

Pinayuhan din niya si Whamos at inaming teary-eyed umano siya nang mapanood ang video ng mag-anak sa Hong Kong.

"Kumpare, magtravel kayo nang mag-travel ni Kumare. Ubusin niyo ang pera niyo kaka-travel as family. Madarama mo ang tunay na kaligayahan maniwala ka sa akin. Mas lalawak 'yung pang-unawa mo sa buhay. Mas makakaisip ka ng inenegosyo sa Pinas. Mas gaganda ang takbo ng iyong pag-iisip. Mas magiging malupit ang iyong pagkatao. Mare-realize mo na napakalaki pala ng mundo para manatili ka sa iisang bansa. Enjoy your time with your family kumpare"

Narito ang kabuuan ng naturang post:

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Gayunpaman, kapansin-pansing nakabangon na si Xian sa hindi magagandang sinapit na ito sa kanyang buhay. Katunayan, inspirasyon na ang hatid niya sa tagumpay na tinatamasa ngayon.

Read also

Rica Peralejo, sinagot ang mga nangbatikos sa pagsuot nila ng Halloween costume

Dahil sa kanyang mabilisang pagbabahagi ng mga chika mula umano sa kanyang mga source, nabansagan siyang 'Pambansang Marites ng Pilipinas. Katunayan, nilagay na rin niya ito mismo sa kanyang bagong post tungkol kay Zeinab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica