Janella Salvador, puring-puri ni Regine Velasquez matapos ang kanilang duet

Janella Salvador, puring-puri ni Regine Velasquez matapos ang kanilang duet

- Ibinahagi ni Janella Salvador ang ginawa ni Regine Velasquez sa kanilang duet kamakailan sa ASAP Natin 'To

- Sinabihan siya umano ni Regine na siya na ang kumanta ng part na dapat ay para kay Regine para mabigyan siya ng exposure

- Aminado siyang kinabahan siya pero gusto niya daw ibahagi na si Regine ay isang "true queen"

- Puring-puri naman siya ni Regine at humingi ito ng dispensa sa biglaan niyang hiling dahil nabitin daw siya sa part ni Janella

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Janella Salvador, kinabahan siya nang hilingin ni Regine na siya na ang kumanta ng part na dapat ay para kay Regine para mabigyan siya ng exposure. Puring-puri naman siya ni Regine at humingi ito ng dispensa sa biglaan niyang hiling dahil nabitin daw siya sa part ni Janella.

Read also

Iwa Moto, nag-sorry sa taong inakala niya na nang-scam sa kanya: "She's also a victim"

Janella Salvador, puring-puri ni Regine Velasquez matapos ang kanilang duet
Janella Salvador, puring-puri ni Regine Velasquez matapos ang kanilang duet (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Hindi naman maipagkaila ni Janella na isa ito sa kanyang pangarap-ang maka-duet si Regine:

“Janella.. Janella! Ikaw na kumanta ng verse ko.”
…was what she said because she wanted me to have more singing parts. Best believe I was nervous as this happened on the spot (which is why I kind of messed up the words) but I just wanted to immortalize this experience and show you what a true queen @reginevalcasid is.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

And now I can finally cross out…
✔️ a duet with Asia’s Songbird.

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Read also

Zeinab Harake, sumabak na sa acting workshop: "Excited po sa next session"

Kinaaliwan ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Ariel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate