Xian Gaza, ipinagtanggol si Zeinab: "Respetuhin po natin ang kanilang private life"
- Dinipensahan ni Xian Gaza ang kaibigang si Zeinab Harake sa mga bashers
- Inaakusahan umano kasi ng mga ito si Zeinab dahil sa bagong nali-link sa kanya
- Ayon kay Xian, walang asawa at single ang professional basketball player na nanliligaw umano sa kanyang kaibigan
- Nakiusap pa itong irespeto ang pribadong buhay ni Zeinab lalong-lalo na ng manliligaw nito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Gumulantang sa publiko ang mga larawan ni Zeinab Harake na kasama ang umano'y professional basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. na naibahagi ni Xian Gaza.
Nalaman ng KAMI na ipinagtanggol din umano ni Xian ang kaibigang si Zeinab dahil sa akusasyon umano sa kanya ng mga bashers.
"Nanliligaw po sa kanya ang professional basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. na single at walang asawa," paglilinaw ni Xian.
Nagkita-kita umano sila sa Japan noong nakaraang buwan ng Abril at wala sana siyang balak na ibahagi ang mga naturang larawan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Subalit sa dami umano ng bumabatikos sa kanyang kaibigan, ibinahagi niya ang ilan sa kanilang mga larawan.
"Nawa'y respetuhin po natin ang kanilang private life, kahit huwag na si Zeinab, kahit si ginoong Parks na lang na walang alam sa maingay na mundo ng social media Maraming salamat po," ang pakiusap pa ni Xian.
Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan. Gayunpaman, kapansin-pansing nakabangon na si Xian sa hindi magagandang sinapit na ito sa kanyang buhay. Katunayan, inspirasyon na ang hatid niya sa tagumpay na tinatamasa ngayon.
Matatandaang, muling gumawa ng ingay sa publiko si Xian sa umano'y naging komento niya sa kababaihan na agad umanong inalmahan ng isa ring influencer na si Donnalyn Bartolome. Minsan na rin siyang nakita sa vlog ni Zeinab Harake, kung saan nakasama siya nitong mag-shopping sa Thailand.
Dahil sa kanyang mabilisang pagbabahagi ng mga chika mula umano sa kanyang mga source, nabansagan siyang 'Pambansang Marites ng Pilipinas'. Katunayan, nilagay na rin niya ito mismo sa kanyang bagong post tungkol kay Zeinab.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh