Vice Ganda, pabirong inulit ang kanyang "You're so rude" comment

Vice Ganda, pabirong inulit ang kanyang "You're so rude" comment

- Pabirong inulit ni Vice Ganda ang kanyang naging pahayag sa concert niya sa abroad nang hilahin ang kanyang wig

- Sa Tawag ng Tanghalan segment ng It's Showtime, muli nitong binanggit "You're so rude, don't hurt me"

- Ito ay kanyang sinabi sa mga madlang people na nanonood sa studio

- Matapos kasi niyang kumanta at nagtawanan ang mga tao sa studio

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling binanggit ni Vice Ganda ang kanyang viral na pahayag na "You're so rude." Matapos niya kasing subukang kumanta ay agad na nagtawanan ang mga studio audience. Aniya, "You're so rude, don't hurt me. We're all friends here.

Vice Ganda, pabirong inulit ang kanyang "You're so rude" comment
Vice Ganda, pabirong inulit ang kanyang "You're so rude" comment (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Matatandaang sa ginanap na concert niya ay naging usap-usapan ang pagsita ni Vice sa audience na humila sa kanyang wig. Kahit mahinahon ang pagkakasabi ni Vice ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na sitahin ang audience.

Read also

Antoinette Taus sa 'di mamatay-matay na tsismis: "Grabe, pumunta lang naman ako sa States"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel