Ogie Diaz sa umano'y bagong interview kay Liza: "She never mentioned Enrique's name"

Ogie Diaz sa umano'y bagong interview kay Liza: "She never mentioned Enrique's name"

- Nagbigay komento ni Ogie Diaz kaugnay sa naging viral na pahayag ni Liza Soberano tungkol muli sa love team sa Philippine show business

- Kapansin-pansin umano na hindi binaggit ni Liza ang pangalan ng kanyang boyfriend at dating ka-love team na si Enrique Gil

- Aniya, baka naman nasabihan umano si Liza ng bago nitong management na huwag sabihin ang tungkol kay Enrique

- Gayunpaman, maaaring napag-usapan din mismo ito nina Liza at Enrique bilang pagsuporta ni Quen sa career move ng girlfriend

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si Ogie Diaz kaugnay ng panibagong kinahaharap na issue ni Liza Soberano.

Ogie Diaz sa umano'y bagong interview kay Liza: "She never mentioned Enrique's name"
LizQuen (@enriquegil17)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito umano ay ang naging statement ni Liza na "In the Philippines, the only way to become a big star - really, if you're not a singer, if you're an actor, is to be in a love team."

Read also

Ogie bilang dating manager ni Liza: "'Wag na po nating ukilkilin ang salitang utang na loob"

Kapansin-pansin umanong hindi nito nabanggit ang pangalan ng dating ka-love team at ngayo'y karelasyon pa rin na si Enrique Gil.

"'Yun nga yung pinagtataka ko, dahil sa mga naging pahayag ni Liza, she never mentioned Enrique's name na naging sila at hanggang ngayon ay sila pa rin at yung pangarap niya n a mapunta sa Hollywood, e sinusuportahan ng boyfriend niya. Hindi niya binabanggit," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Siguro ako ha, kung kilala ko 'yung management ni Liza, baka hindi rin para ipabanggit nila kay Liza na si quen ay boyfriend niya na si Quen ay ka-love team niya na na-develop sila na ngayon sila pa din"

Naihambing pa ito sa naging love team nina Maine Mendoza at Alden Richards na hindi nauwi sa totoong buhay. Aniya, maiintindihan pa raw ng marami kung si Maine ang nakapagsabi ng ganoong pahayag.

Read also

Mama Loi sa next interview ni Liza: "I-angat naman niya 'yung Philippine showbiz"

"Eto kasing kay Liza iba. 'Yung parang si Enrique Gil jowa niya, ipinagtataka ng marami kung bakit hindi niya nami-mention sa interview niya.Kung bakit masyadong pumopokus sa love team culture dito sa Pilipinas."

Gayunpaman, maaari rin namang napag-usapan din mismo ito nina Liza at Enrique bilang pagsuporta ni Quen sa career move ng girlfriend

"At the end of the day, kung nag-usap si Liza at si Enrique Gil, na 'o hindi ko babanggitin ang pangalan mo ever ha. Pero atin na lang yung personal natin. 'Wag na nating ipa-media."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Ogie Diaz, sa desisyon TAPE Inc.: "Sa henerasyon ngayon, dapat talaga marami kang bago"

Kamakailan, nabanggit ni Ogie na hindi pa umano siya nakatatanggap ng kahit mensahe ng pakikiramay mula sa dating alaga na si Liza Soberano.

Matatandaang sumakabilang buhay na ang ina ni Ogie Diaz na si Nanay Carmen at naihatid na sa huling hantungan noong Abril 28. Subalit sa huling sandali, hindi pa rin umano nagpadala ng anumang mensahe si Liza na talent niya sa loob ng sampung taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel