Mama Loi sa next interview ni Liza: "Iangat naman niya 'yung Philippine showbiz"

Mama Loi sa next interview ni Liza: "Iangat naman niya 'yung Philippine showbiz"

- May pakiusap si Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update sa aktres na si Liza Soberano

- Ito ay kaugnay sa pinakabagong podcast interview kay liza kung saan napag-usapan na naman ang love team

- Sana'y isaalang-alang umano ni Liza na sa showbiz career niya sa Pilipinas nakuha umano ang 18 million followers niya sa Instagram

- Paalala rin naman ni Mama Loi mahal pa rin nila at sana'y naging proud na lamang bilang isang Filipina actress na unti-unting nakikilala sa Hollywood

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang magbulalas ng saloobin si Mama Loi kaugnay sa pinakabagong Korean podcast interview kay Liza Soberano.

Mama Loi sa susunod na interview kay Liza: "Iangat naman niya 'yung Philippine Showbiz"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito umano ay ang naging pahayag ni Liza na "In the Philippines, the only way to become a big star - really, if you're not a singer, if you're an actor, is to be in a love team."

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?"

Dahil dito, diretsahan ang naging pahayag ni Mama Loi.

"Pero 'nay may wish lang ako. Sana sa mga suusnod na interviews ni Liza Soberano, iangat naman niya 'yung Philippine Show business nay na nagbigay sa kanya ng ganyang kasikatan na mayroon siyang 18 million subscribers."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kung hindi rin naman sa Philippine show business hindi rin naman niya ma-aachieve 'yung ganyan. At hindi rin naman siya mapapansin sa Hollywood 'di ba? kung wala siyang ganyang achievement"

Aniya, may mga nagmamahal pa rin naman kay Liza sa Pilipinas kung saan siya nakilala at nagkaroon umano ng pangalan.

"Kumbaga, 'wag mo naman kaming ilaglag Liza 'di ba? e mahal ka pa rin naman namin dito sa Pilipinas e. Kumbaga 'yung mga stars, proud sila 'pag nasa ibang bansa sila sumisikat sila na ibinabandera nilang sila'y Pilipino o 'di ba na sila ay nanggaling sa Pilipinas."

Read also

Ogie Diaz, inalala ang pagkakataong tumanggi umano si Liza na ipareha sa ibang leading man

"Happy kami para sa'yo na sumisikat ka diya sa Hollywood. Pero 'yun lang nga, e 'yung iba lang sa atin e nakakaramdam ng tampo. Ba't parang hindi siya proud na kaisa niya kami parang gano'n yung nangyayari pag naririnig natin na medyo hindi positibo 'yung mga sinasabi niya tungkol sa Pilipinas"

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Mama Loi ang co-host ni Ogie Diaz sa youTube channel nito na "Ogie Diaz Showbiz Update." Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video nila gayundin ang "Ogie Diaz Inspires". Ito ay dahil sa maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Matatandaang, marami ang sumubaybay sa mga pahayag ni Ogie kaugnay sa kontrobersiyang dulot ng mga rebelasyon ng dati niyang alaga na si Liza Soberano. Nagsimula ito sa 'This is me' vlog ni Liza. Na sinundan ng ilan pang mga interview na siyang lalong naging usap-usapan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel