Ogie Diaz, inalala ang pagkakataong tumanggi umano si Liza na ipareha sa ibang leading man

Ogie Diaz, inalala ang pagkakataong tumanggi umano si Liza na ipareha sa ibang leading man

- Inalala ni Ogie Diaz ang pagkakataong gagawa sana sina Liza Soberano at Enrique Gil ng proyektong hindi sila ang magkapareha

- Ito ay kaugnay sa bagong kontrobersyal na pahayag ni Liza tungkol sa mga love teams sa Pilipinas

- Hindi makalimutan umano ni Ogie kung paano tumanggi si Liza na si Quen lang ang nais niyang maging leading man

- Aniya, nang mga panahong iyon, hindi pa umano handa si Liza na kumawala sa love team na LizQuen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang umano'y pagkakataon kung saan susubukan na sana nilang ipareha sa iba sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ogie Diaz, inalala ang pagkakataong tumanggi umano si Liza na ipareha sa ibang leading man
Liza Soberano (@enriquegil17)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay kaugnay sa bagong kontrobersyal na pahayag ni Liza na "In the Philippines, the only way to become a big star - really, if you're not a singer, if you're an actor, is to be in a love team," sa isang Korean podcast kamakailan.

Read also

Cristy, pinayuhan si Enrique Gil na magsalita na: "hindi sapat na tahimik lang"

Ani Ogie, inalok si Liza na makapareha ang ibang artista subalit, "Sa pagkakaalam ko Loi, hindi ko makalimutan 'yung sinabi ni Liza that time na, 'hindi po ako komportable na iba po ang leading man ko. Ang comfort zone ko po ay si Quen.'" ayon daw umano kay Liza.

Dahil dito, hindi na naalis ang dalawa sa kanilang tambalan at hinahanapan pa umano ng proyekto kung saan pwede muli silang magsama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"So hinahanapan siya ng proyekto na para sa kanila ni Quen. So ibig sabihin hindi pa siya handa mag-solo dahil choice niya yun na when you say solo, pwedeng iba yung kapareha mo, 'di mo ka-love team"

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Zeinab Harake, sumabak na sa acting workshop: "Excited po sa next session"

Kamakailan, nabanggit ni Ogie na hindi pa umano siya nakatatanggap ng kahit mensahe ng pakikiramay mula sa dating alaga na si Liza Soberano.

Matatandaang sumakabilang buhay na ang ina ni Ogie Diaz na si Nanay Carmen at naihatid na sa huling hantungan noong Abril 28. Subalit sa huling sandali, hindi pa rin umano nagpadala ng anumang mensahe si Liza na talent niya sa loob ng sampung taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel