Toni at Mari Fowler, emosyonal na nagpaalam sa kanilang mommy

Toni at Mari Fowler, emosyonal na nagpaalam sa kanilang mommy

- Emosyonal sina Toni Fowler at ang kapatid niyang si Mari Fowler nang ihatid nila ang kanilang biological mother sa airport

- Maging ang anak niyang si Tyronia ay sobra din ang iyak dahil naging malapit silang maglola sa pag-uwi nito kamakailan lang

- Ani Toni, naalala niya ang dati nilang kalagayan tuwing aalis ang kanilang mommy at naiiyak sila ng ate niya sa airport

- Aniya, parang bumalik sa kanila ang alaala na malungkot tuwing aalis ang kanilang mommy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo-iyak sina Toni Fowler at Mari Fowler nang magpaalam sila sa kanilang bilogical mother na bumalik na ng Amerika. Ani Toni, naalala niya ang dati nilang kalagayan tuwing aalis ang kanilang mommy at naiiyak sila ng ate niya sa airport.

Toni at Mari Fowler, emosyonal na nagpaalam sa kanilang mommy
Toni at Mari Fowler, emosyonal na nagpaalam sa kanilang mommy (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Dahil naging malapit sa kanyang lola ay sobrang iyak din si Tyronia nang magpaalam sa kanyang lola. Ani Toni, sana ay hindi naman umabot ng walong taon uli bago bumalik ang kanyang mommy.

Read also

Lolit Solis sa bagong pahayag ni Lisa Soberano: "Para bang alam mo ang lahat"

Pakiramdam daw ni Toni ay parang bumabalik ang lungkot niya noong bata pa siya lalo na makita ang kanyang anak na humahabol ng yakap sa kanyang lola.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate