Skusta Clee sa birthday ni Bia: "Ginawa ko naman lahat eh para makita kita eh"
- Binati ni Skusta Clee o Daryl Ruiz ang kanyang anak na si Bia sa pagdiriwang nito ng ikalawang kaarawan niya
- Aniya, ginawa naman niya ang lahat para makita lang niya si Bia ngunit hindi daw siya pinayagan
- Sa kabila ng kabiguang makasama ang anak sa kaarawan nito sinabi niyang magiging okay din ang lahat
- Matatandaang pagkatapos ng hiwalayan nila ay sinabi ni Zeinab na ayaw niya nang ipakita ang anak niya kay Skusta
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nag-post si Daryl Ruiz aka Skusta Clee ng kanyang pagbati sa ikalawang kaarawan ng anak nila ni Zeinab Harake. Sa kanyang Facebook post ay sinabi niyang, ginawa naman niya ang lahat para makita lang niya si Bia ngunit hindi daw siya pinayagan.
Sa kabila ng kabiguang makasama ang anak, aniya ay magiging okay din ang lahat.
Happy birthday anak. Ginawa ko naman lahat eh para makita kita eh sila lang talaga yung ayaw. Magiging okay din lahat
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Samantala, nag-post naman si Zeinab ng mga pictures na kuha sa birthday celebration ng anak nilang si Bia.
Matatandaang pagkatapos ng hiwalayan nila ay sinabi ni Zeinab na ayaw niya nang ipakita ang anak niya kay Skusta.
Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".
Ayon kay Zeinab Harake si Skusta Clee ang sinisisi niya bilang pinagmulan ng gulong kinasasangkutan niya. Inamin niya ang akusasyong sinira umano niya ang studio ni Skusta Clee na ginagamit nila sa recording. Ani Zeinab, pera naman niya ang ginamit niya doon at naglabas pa ito ng notebook kung saan nakalista ang mga ginastos niya. Maging sa mga personal na gamit umano ng dating partner niya at mga pagpapaayos ng sasakyan niya ay si Zeinab ang gumastos.
Sinagot ni Skusta Clee sa kanyang live sa Instagram ang ilang mga katanungan ng mga netizens - Aminado si Skusta na may nagawa talaga siyang mali kaya naiintindihan niya umano ang desisyon ni Zeinab na huwag ipakita sa kanya ang anak nila - Sobrang bilib naman daw siya sa pagiging nanay ni Zeinab sa anak nilang si Bia na aniya ay sobrang na-miss niya na - Humingi din siya ng tawad kay Zeinab sa naturang video at sinabi niyang hindi naman siya perpektong tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh