Ellen Adarna, binahagi ang naging parusa sa kanyang paglalayas noong 13 taong gulang siya

Ellen Adarna, binahagi ang naging parusa sa kanyang paglalayas noong 13 taong gulang siya

- Naibahagi ni Ellen Adarna na nakaranas na rin siyang sumakay sa jeep noong naninirahan siya sa Cebu

- Aniya, nangyari iyon noong 13 taong gulang siya at naglayas sa kanilang bahay

- Matapos ang isang araw ay umuwi din daw siya sa bahay nila dahil wala na siyang pera

- Bukod daw dito, natulog siya sa maid's quarter at naglaba ng mga damit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakwento ni Ellen Adarna ang kanyang naging parusa matapos siyang maglayas noong 13 taong gulang pa lang siya. Pinag-commute umano siya sa loob ng tatlong buwan.

Ellen Adarna, nakwento ang naging parusa sa kanya nang lumayas siya noong 13 anyos siya
Ellen Adarna, nakwento ang naging parusa sa kanya nang lumayas siya noong 13 anyos siya (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram stories kung saan kadalasang sumasagot siya sa mga tanong ng kanyang followers, naitanong kay Ellen kung nasubukan daw ba nitong mag-commute sa Cebu kagaya ng pagsakay sa jeep o habal-habal.

Ani Ellen, naranasan niya ito bilang parusa sa kanyang paglalayas noong 13 taon lamang siya. Dahil wala naman daw siyang pera ay bumalik din siya sa kanilang bahay.

Read also

Bugoy Cariño, aminadong pinanghinayangan noong una ang pagkawala ng projects

Bilang parusa ay sa jeep siya sumasakay pauwi kahit sinusundo ng yaya. Natutulog din daw siya sa maid's quarter. Kapag walang pasok ay pinaglalaba daw siya at pinapatulong siya sa mga gawaing bahay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ellen Adarna, nakwento ang naging parusa sa kanya nang lumayas siya noong 13 anyos siya
Ellen Adarna, nakwento ang naging parusa sa kanya nang lumayas siya noong 13 anyos siya (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Read also

Ina Raymundo kinagiliwan si Andrea Brillantes: "I find her comments flattering and amusing"

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate