BJ "Tolits" Forbes, naibahagi ang kwento noong naloko sila sa nabiling bahay

BJ "Tolits" Forbes, naibahagi ang kwento noong naloko sila sa nabiling bahay

- Nakwento ni BJ "Tolits" Forbes ang pagkalugmok nila ng kanyang pamilya matapos niyang mag-invest ng halos 3 milyon na bahay

- Limang taon daw silang nakatira sa bahay hanggang sa namatay na yung kakilala nilang nagbenta ng bahay sa kanila

- Kinabigla nila na may lumutang na tao na may hawak ng titulo ng bahay at peke daw pala ang titulo na nasa kanila

- Napalayas sila ng bahay na iyon at wala silang nakuha at nalipat sa aniya'y slum area

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay BJ "Tolits" Forbes, naloko sila sa na-invest niyang halos 3 milyon para sa bahay. Kinabigla nila na may lumutang na tao na may hawak ng titulo ng bahay at peke daw pala ang titulo na nasa kanila.

BJ "Tolits" Forbes, naibahagi ang kwento noong naloko sila sa nabiling bahay
BJ "Tolits" Forbes, naibahagi ang kwento noong naloko sila sa nabiling bahay (Screenshot from Ogie Diaz/YouTube)
Source: Youtube

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ang nangyari daw na iyon ay nalugmok siya at nakaramdam siya na parang wala na siyang purpose sa buhay. Limang taon daw silang nakatira sa bahay hanggang sa namatay na yung kakilala nilang nagbenta ng bahay sa kanila.

Read also

Kapatid ni AJ Raval, umalma sa pandadawit sa anak niya sa isyu

Umabot sila sa korte at napatunayang peke pala ang titulo na binigay sa kanila ng nagbenta.

Napalayas sila ng bahay na iyon at wala silang nakuha at nalipat sa aniya'y slum area.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, nang malipat sila doon ay naririnig niya ang mga panghuhusga ng mga tao sa kanya. Nangyari umano ito noong 12-13 taong gulang siya.

Pakiramdam niya daw ay nakaramdam siya ng pagod lalo at pakiramdam niya ay hindi siya naa-appreciate sa kanyang ginagawa.

Pakiramdam niya ay may kulang sa kanyang buhay. Dahil doon ay ginusto niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya at pinangako niya sa sarili niyang hindi pagdadaanan ng pamilya niya ang kanyang pinagdaanan.

Hindi niya daw pinagsisihan na maaga siyang nagka-pamilya.

Si BJ "Tolits" Frobes ay unang sumikat sa Eat Bulaga sa “That’s My Boy” noong 2003. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Ful Haus, Encantadia, Etheria, Fantastikids at mga TV commercials. Nagpahinga din siya sa showbiz para pagtuonan ng pansin ang kanyang pag-aaral.

Read also

Kim Chiu, binahaging hinihintay pa nilang muling magkamalay ang ate niya

Matatandaang naibahagi ng KAMI ang tungkol sa update tungkol kay BJ nang muli siyang bumalik sa showbiz. Naging bahagi siya ng seryeng Sahaya sa kanyang pagbabalik showbiz. Naging publc servant siya at nagsilbing Youth Chairperson.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate