14 Anak-anakan ni Eat Bulaga Dabarkad Bossing Vic Sotto

14 Anak-anakan ni Eat Bulaga Dabarkad Bossing Vic Sotto

Isa sa mga haligi at hari ng pelikulang Pilipino at sa showbiz mismo ay ang solid Eat Bulaga Dabarkad Bossing Vic Sotto.

Sa ilang pelikula na ginawa niya at sa ilang dekada na rin pinapalabas ang noontime show niya na EB ay marami na rin siyang mga anak-anakan na napamahal sa kanya at tinuring na din daw niya na anak sa industriya.

Kaya ngayon sa KAMI sisilipin natin ang 14 anak-anakan ni Bossing Vic.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Aiza Seguerra

Ang orihinal at pinaka-iconic na anak ni Bossing Vic Sotto ay si Aiza Seguerra na kilala na ngayon bilang si Ice Diño Seguerra.

Siya ang anak-anakang babae ni Vic sa mga blockbsuter movies niya na Okay Ka Fairy Ko at Enteng Kabisote.

2. Goyong

Si Goyong na produkto ng EB's That's My Boy ay lumaki rin sa patnubay ni Bossing nang maging bahagi siya sa longtime hit running show.

At hanggang ngayon, parte pa rin siya ng show.

3. Maxene Magalona

Isa rin sa naging anak-anakan ni Bossing ay si Maxene Magalona nang makuha ang role na si Donna sa Daddy Di Do Du.

4. Isabelle de Leon

Speaking of Daddy Di Do Du, isa pang naging anak-anakan ni Vic Sotto sa show ang gumanap na bunsong anak ni Bossing na si Dudady ay walang iba kung hindi si Isabelle de Leon.

5. BJ "Tolits" Forbes

Isa sa mga produkto ng That's My Boy ay si BJ Forbes o kilala rin bilang isa Tolits.

6. Barbie Forteza

Naging anak-anakan rin ni Bossing si Barbie Forteza sa comedy horror pelikula nito na kasama si Cristine Reyes ang 'Ang Darling Kong Aswang.'

7. Mika dela Cruz

At sa parehong pelikula rin, naging anak-anakan ni Vic so Mika dela Cruz.

8. Gabbi Garcia

Si Sang'gre Alena sa Encantadia na si Gabbi Garcia ay naging anak-anakan rin ni Vic sa comedy film na Meant To Beh.

9. JC Santos

Sa parehong pelikula rin, naging anak-anak din ni Bossing si JC Santos.

10. Bae-by Baste

Tila parang tunay na anak na rin ang turing Bossing Vic sa pinakabatang dabarkad at pinakacute na si Bae-by Baste.

11. Ryzza Mae Dizon

At alagang-alaga rin ni Bossing Vic Sotto si Ryzza Mae Dizon na ilang pelikula rin niya nakasama at lalong lalo na sa Eat Bulaga.

12. Maine Mendoza

Magmula sa Kalserye ng Eat Bulaga hanggang sa big screen, si Bossing Vic Sotto ang gumanap na tatay ng mga karakter ni Maine Mendoza.

At ngayon, ay nagbabalik ang kanilang father at daughter tandem sa Kapuso comedy series na Daddy's Gurl.

13. Danica Sotto

Speaking of anak-anakan, madalas rin kunin ni Vic Sotto ang kanyang totoong anak na si Danica.

14. Oyo Boy Sotto

Si Oyo Boy ay naging anak din ni Vic sa kanyang mga shows at pelikula.

Una naming naipstan ang listahan sa GMA News Online.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel