TAPE, mahigit tig-30M ang utang kina Vic Sotto at Joey de Leon ayon kay Tito Sotto

TAPE, mahigit tig-30M ang utang kina Vic Sotto at Joey de Leon ayon kay Tito Sotto

- Naikwento ni Tito Sotto ang umano'y nangyari mula noong nag-umpisa pa lamang ang "Eat Bulaga"

- Aniya, nalugi na ito noong hawak pa ito ng Production Specialists ni Romeo Jalosjos

- Kahit mahigit isang taon daw silang hindi sumahod noon ay tinuloy nila ang programa sa tulong din ni Mr. Tuviera

- Nabanggit din niya na mahigit tig-30 milyong piso umano ang utang ng TAPE kina Vic Sotto at Joey de Leon noong taong 2022

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Tito Sotto sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas na mahigit tig-30 milyong piso umano ang utang ng TAPE kina Vic Sotto at Joey de Leon noong taong 2022. Napagpasyahan niyang linawin ang isyu matapos umano magsalita ang isang officer sa TAPE na aniya ay hindi totoo.

Read also

Miss Grace sa balitang may bagong karelasyon ni PK: "Its not new to me anymore"

TAPE, mahigit tig-30 M ang utang kina Vic Sotto at Joey de Leon ayon kay Tito Sotto
TAPE, mahigit tig-30 M ang utang kina Vic Sotto at Joey de Leon ayon kay Tito Sotto (@helenstito)
Source: Instagram

Aniya, nalugi na ito noong na hawak pa ito ng Production Specialists ni Romeo Jalosjos. Kahit mahigit isang taon daw silang hindi sumahod noon ay tinuloy nila ang programa sa tulong din ni Mr. Tuviera.

“Anong nangyari? They shutdown Production Specialists. Wala na ‘yon. In July 7, 1981, tinayo ‘yung TAPE Inc,” sambit ni Tito. “So from 1980 to 1981, ang puhunan ng ‘Eat Bulaga’, blood, sweat and tears naming tatlo at ni Tony.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang Eat Bulaga! ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979. Sa kasalukuyan kabilang sa mga host ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, de Leon, Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, Ruru Madrid, Bianca Umali at Carren Eistrup.

Read also

Tugue Zombie sa biro ni Jose Manalo: “Walang mali diyan, okay?"

Sa gitna naman ng mga isyung naglalabasan kaugnay sa umano'y problema sa TAPE Inc, agaw-pansin sa netizens ang post ni Joey sa kanyang Instagram. Nag-post siya ng screenshot ng isang article patungkol dito. Aniya, natatawa at natutuwa siya dahil hanggang sa ngayon ay pinag-uusapan pa rin sila.

Kamakailan ay kinanta nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) ang theme song ng Eat Bulaga. Sa gitna ng isyu kaugnay sa umano'y magaganap na rebranding sa noontime show ay may makahulugang mensahe si dating Sen. Tito. Nilinaw niya lalo na sa mga bata na si Vic umano ang nag-compose ng kantang ‘Eat Bulaga’ at ang nag-imbento ng salitang ‘Eat Bulaga’ ay si Joey. Marami naman sa tagapanuod at tagasubaybay ng Eat Bulaga ang naghayag ng kanilang suporta lalo na sa mga Dabarkads na kinabilangan ng iconic trio.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate