Brenda Mage, pinakita ang final look ng kanyang farm house

Brenda Mage, pinakita ang final look ng kanyang farm house

- Pinasilip ni Brenda Mage ang itsura ng kanyang pinatayong farm house na tapos na

- Pinakita niya rin ang kanilang mga gawain sa farm sa araw-araw kagaya ng pagpapakain ng alaga nilang mga hayop

- Siya rin mismo ang nagdidilig ng mga halaman na nasa paligid na tinanim niya rin

- Matatandaang nauna nang naibahagi ni Brenda ang tungkol sa pinapagawa niyang farm house sa Hinaguan farm

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Brenda Mage ang aniya'y final look ng kanyang farm house sa Hinaguan farm. Pinakita niya rin ang kanilang mga gawain sa farm sa araw-araw kagaya ng pagpapakain ng alaga nilang mga hayop.

Brenda Mage, pinakita ang final look ng kanyang farm house
Brenda Mage, pinakita ang final look ng kanyang farm house (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Bukod sa pag-aalaga ng mga hayop ay may mga halaman din silang tinanim. Siya rin mismo ang nagdidilig ng mga halaman na nasa paligi. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan sa naturang farm house.

Read also

Baby Bia, umani ng papuri sa husay nito sa alphabet sa edad na halos dalawang taon

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel