Kapatid ni AJ Raval, umalma sa pandadawit sa anak niya sa isyu

Kapatid ni AJ Raval, umalma sa pandadawit sa anak niya sa isyu

- Umalma ang kapatid ni AJ Raval na si Ace Raval matapos lumabas ang mga isyu dahil sa IG story ni AJ na picture ng isang baby

- Aniya, anak niya yun at hindi niya nagustuhan na maging ang anak niya ay nadadamay pa sa isyu

- Binanggit niya na ilang araw nang hindi sila mapakali ng kanyang partner dahil sa pagkalat ng picture ng anak niya

- Aniya, bilang kuya at bilang tatay ay nasasaktan siya sa nangyayari sa anak niya at sa kapatid niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma ang kuya ni AJ Raval na dinadawit sa isyu ang kanyang anak. Ito ay matapos i-post ni AJ ang picture ng anak niya kamakailan.

Kapatid ni AJ Raval, umalma sa pandadawit sa anak niya sa isyu
Kapatid ni AJ Raval, umalma sa pandadawit sa anak niya sa isyu (@ajravsss)
Source: Instagram

Aniya, ilang araw na sila ng kanyang partner na hindi mapakali dahil ikinalat ang picture ng anak niyang si Dio at dinawit pa sa isyung hindi naman daw totoo.

Read also

AJ Raval, deadma sa mga nega comments sa picture nila ni Aljur Abrenica

Aniya, bilang kuya at bilang tatay ay nasasaktan siya sa nangyayari sa anak niya at sa kapatid niya. Matatandaang nag-viral ang post na ito ni AJ.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Ito ay matapos maghiwalay sina Aljur at Kylie Padilla. Una siyang nakilala sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap. Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez.

Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan. Sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja ay natanong din sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pangbabash kina Aljur at AJ kasunod ng kanilang post kamakailan. Muli ay sinabi niyang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang masaya siya para sa kanilang lahat.

Read also

Gardo Versoza, nalungkot nang maisip na maiiwan ang mag-ina niya

Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ. Aniya, hindi deserve ni AJ ang hate at bashing na kanyang tinatanggap mula sa mga netizens. Bilang tatay ng kanyang mga anak, gusto daw niyang masaya si Aljur para buo ang kasiyahan ng kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel