Brenda Mage, pinahayag ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN

Brenda Mage, pinahayag ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN

- Inihayag ni Brenda Mage ang kahulugan ng kanyang tattoo na logo ng ABS-CBN

- Aniya, ang ABS-CBN ang dahilan na natupad niya ang pangarap niyang maging artista

- Dahil sa mga oportunidad na nabigay sa kanya nang maging artista siya ay natupad din daw ang kanyang pangarap para sa kanyang pamilya

- Aniya, grateful siya na naging bahagi siya ng naturang network at aniya ay forever Kapamilya siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Brenda Mage, ang ABS-CBN ang naging dahilan na natupad niya ang pangarap na mag-artista siya na naging daan na matupad din niya ang pangarap niya sa kanyang pamilya. Ito ang kanyang paliwanag sa mga taong nagtatanong tungkol sa tattoo niya na logo ng naturang network.

Brenda Mage, pinahayag ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN
Brenda Mage, pinahayag ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Ito ang kanyang sagot kung ano ang ibig sabihin ng kanyang tattoo.

Read also

Brenda Mage, pinakita ang final look ng kanyang farm house

Wala naman…..simple lang…… kung anung meron ako nito lahat ng meron ako sa buhay ito ay dahil sa ABS-CBN dahil ito ang network na to ang dahilan ng pangarap ko maging Artista.. at ito din ang Tumupad ng pangarap ko…..at dahil natupad ang Pangarap ko na maging Celebrity narating ko rin ang kung anung meron ako ngayon at natupad ko rin pangarap ng Pamilya ko

Aniya, grateful siya na naging bahagi siya ng naturang network at aniya ay forever Kapamilya siya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

kaya im Grateful na naging part ako ng Network na to Thankyou ABS-CBN forever Kapamilya

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Read also

Xian Gaza, pinasalamatan ang stepfather ng kanyang anak

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel