Xian Gaza, pinasalamatan ang stepfather ng kanyang anak

Xian Gaza, pinasalamatan ang stepfather ng kanyang anak

- Pinasalamatan ni Xian Gaza ang stepdad ng kanyang anak dahil sa lumalaki umanong maayos ang anak dahil dito

- Aniya, sobra niyang naaapreciate ang mga ginagawa nito para magampanan ang pagiging ama sa anak ni Xian

- Dagdag pa niya, hindi matutumbasan ng pera ang pagkakaroon ng buong pamilya ng kanyang anak dahil sa stepfather nito

- Pinangako niya rin sa dalawang nanay ng kanyang mga anak na sisikapin niyang magtrabaho para sa ma-secure niya ang future ng mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpasalamat si Xian Gaza sa stepdad ng kanyang anak dahil sa pagbibigay umano nito ng buong pamilya sa kanyang anak at sa pagiging mabuti nitong ama.

Xian Gaza, pinasalamatan ang stepfather ng kanyang anak
Xian Gaza, pinasalamatan ang stepfather ng kanyang anak (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Ani Xian, na-aapreciate niya ang ginagawa ng stepdad ng kanyang anak at dahil sa kanya ay lumalaking maayos ang kanyang anak. Aniya, tinuturing niyang blessing hindi lamang para sa anak kundi para din sa kanya ang taong ito.

Read also

Kris Aquino, pinagdasal na buhay pa siya hanggang tumuntong si Bimby ng 18

Pinangako niya rin sa dalawang nanay ng kanyang mga anak na sisikapin niyang magtrabaho para sa ma-secure niya ang future ng mga anak.

I promise to work hard upang ma-secure ko ng husto ang future ng ating anak. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi sila nagiging anak ng bilyonaryo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hiling niya rin na rin na dumating ang araw na mag-settle down siya sa isang babae at magkaroon ng kanyang sariling pamilya.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Matatandaang sinagot ni Donnalyn Bartolome ang post ni Xian tungkol sa umano'y mga babaeng nasa VIP table sa sikat na mga club ba kanyang binanggit. Ayon kay Xian, sa bawat story ng mga babaeng ito ay may sugar daddy na hindi kasama sa video. Ani Donnalyn, hindi dapat nilalahat dahil may mga babaeng kayang magbayad nang hindi umaasa sa sugar daddy. Nilinaw niya rin na hindi niya minamaliit ang mga babaeng gumagawa at humingi siya ng dispensa sa mga babaeng aniya ay nasaktan sa post ni Xian.

Read also

Rica Peralejo, aminadong laging magulo ang bahay: "Feeling ko sign of life siya"

Kamakailan ay sinagot ni Xian ang post ni Donnalyn Bartolome kung saan inalmahan nito ang pahayag ni Gaza kaugnay sa "babaeng may sugar daddy." Ani Xian, ang kanyang dahilan sa pag-post ay para patamaan ang kanyang "sugar baby" na aniya ay dinala ang boyfriend sa gimikan gamit ang kanyang pinadalang pera. Dagdag pa niya kung may mga nasaktan sa kanyang post ay hindi na niya problema dahil wala naman daw siyang pake sa nararamdaman ng mga ito. Sinagot din ito ni Donnalyn at sinabing malayo umano ang explanation ni Xian sa "pambababa daw nito sa mga babae."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel