Rica Peralejo, aminadong laging magulo ang bahay: "Feeling ko sign of life siya"

Rica Peralejo, aminadong laging magulo ang bahay: "Feeling ko sign of life siya"

- Sinagot ni Rica Peralejo ang komento ng isang netizen tungkol sa napag-alaman umano niyang laging magulo ang bahay nina Rica

- Inamin naman ito ni Rica at nilinaw niyang magulo ang bahay niya ngunit hindi ito madumi

- Kabilang sa kanyang dahilan ay dahil mayroon siyang dalawang anak at tanggap niya umano na ito ang stage ng buhay nila sa kasalukuyan

- Ayaw niya din daw magdagdag ng staff dahil hindi nakakatulong para sa anak niya na matutong magligpit kapag palaging may nag-aayos sa kalat nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pinagkaila ni Rica Peralejo na magulo ang kanyang bahay ngunit aniya, hindi madumi. Aniya, ang kalat naayos naman ngunit ang creativity ng mga bata sa kanilang developmental stage ay hindi na niya maibabalik.

Rica Peralejo, aminadong laging magulo ang bahay: "Feeling ko sign of life siya"
Rica Peralejo, aminadong laging magulo ang bahay: "Feeling ko sign of life siya" (@ricaperalejo)
Source: Instagram

Tanggap niyang iyon umano ang stage ng buhay nila sa kasalukuyan. Hinahayaan niya lang daw ang mga anak na makapaglaro at saka na nila nililigpit pag tulog na ang mga ito.

Read also

Vince Flores, aprub sa biological mother ni Toni Fowler

Ayaw niya daw maramdaman ng mga anak niya na hindi sila pwedeng magkalat dahil ayaw ng nanay nila.

Bukod daw sa hindi niya rin afford, ayaw niyang magdagdag ng staff sa bahay dahil hindi nakakatulong para sa anak niya na matutong magligpit kapag palaging may nag-aayos sa kalat nila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para sa kanya, parang sign of life ang pagiging magulo ng kanyang ahay. Aniya, maiiba din ito pag may sari-sariling buhay na ang kanyang mga anak.

Gusto ko siya kasi ibig sabihin nasa akin pa yung mga anak ko.
One day, hindi na magiging ganun yung bahay ko. Magiging tahimik na siya, malinis, wala nang halos kailangang ayusin. Kasi ibig sabihin may kanya-kanya nang buhay yung mga anak ko.

Si Rica Peralejo ay unang nakilala nang maging bahagi ng "Ang TV." Kabilang ang mga palabas na Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin sa mga ginawa niyang TV projects. Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya nang ikasal siya sa mister na si Joseph Bonifacio. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki.

Read also

Lars Pacheco, muntik nang ma-dethrone dahil sa umano'y paninira sa kanya

Isa sa pinagpapasalamat umano ni Rica sa taong 2021 ay ang natanggap nilang bagong sasakyan lalo na at dumating umano ito sa panahong kailangan ng kanilang pamilya. Hindi na binanggit ni Rica kung kanino ito galing ngunit aniya ay ikukuwento niya ito sa susunod niyang mga vlog. Hindi naman maitago ng kanilang mga anak ang pagkakaroon nila ng bagong sasakyan lalo na ang kanilang panganay. Ani Rica, matagal na panahon din silang walang bagong sasakyan at akala umano nilang mag-asawa ay mabubulok na lang sa kanila ang sasakyan nila bago sila magkaroon ng bago.

Pinakita ni Rica ang ilang bahagi ng kanyang bahay matapos niya itong ipa-renovate. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kanilang garahe at ang kanyang gym room. Aniya, dalawang taon ding inabot bago niya tuluyang maipakita ang bahay na kanyang pinarenovate. Nakatakda pa umano niyang ibahagi ang ilan pang bahagi ng kanilang pinarenovate na bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel