GMA project nina Bea at Alden, 'di natuloy dahil umano sa 'attitude' ayon sa source ni Cristy

GMA project nina Bea at Alden, 'di natuloy dahil umano sa 'attitude' ayon sa source ni Cristy

- Naibahagi ni Cristy Fermin na kaya hindi natuloy ang proyekto nina Bea Alonzo at Alden Richards ay dahil umano sa 'ugali'

- Hindi raw ginamit ang salitang 'tampuhan' bilang paglalarawan sa nangyari kundi, 'attitude o behavioral problem'

- Gayunpaman, hindi nasabi ng source kung sino sa dalawa ang tinutukoy na mayroong behavioral problem

- Dahil doon, bibida pa rin si Alden Richards sa isang GMA project kung saan naman niya makakapareha si Julia Montes

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakarating kay Cristy Fermin ang umano'y issue ng pagkansela ng proyektong pagtatambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo.

GMA project nina Bea at Alden, 'di natuloy dahil umano sa 'attitude' ayon sa source ni Cristy
Bea Alonzo and Alden Richards
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang dahilang naibahagi ni Cristy ay ang tungkol sa umano'y 'ugali' ng artista.

"Kaya raw po hindi natuloy ''yung proyekto ng GMA 7 na Bea at Alden ay dahil nagkaroon ng problema. Ugali daw ang dahilan. Attitude."

Read also

Tugue Zombie sa biro ni Jose Manalo: “Walang mali diyan, okay?"

"Hindi pa nga tampuhan ang termino na ginamit ng mga nagsulat at nag-aano sa social media kundi 'there must be an attitude or behavioral problem," ani Cristy

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, 'di nabanggit kung sino sa dalawa ang tinutukoy na mayroon umanong behavioral problem.

Samantala, abala ngayon sina Alden at Julia Montes sa shooting ng kanilang bagong pelikula na pagtatambalan.

Matatandaang napaisip ang madla nang mag-post ng broken heart si Julia at may petsang "4.18.2023" na siyang araw pala ng pagsasapubliko nila ng pelikula kasama si Alden.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel niya na Showbiz Now Na!:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Kamakailan ay maayos na itong bumalik sa Eat Bulaga matpos ang halos dalawang taon na wala sa sil asa telebisyon.

Read also

Tito Sotto sa umano'y TF nila nina Vic at Joey: "P30M each ang kakulangan"

Samantala, sa ginagawa namang serye, agad na napuri siya ng co-star na si Julia Montes.

Kahit dalawang araw pa lamang silang nagsu-shooting, nasabi nilang komportable na sila sa isa't isa.

"Parehong-pareho po kaming magtrabaho... sobrang hindi po high maintenance si Julia," saad ni Alden.

"Kaya pala talaga siya si Alden Richards. Bagay sa'yo yung dimples sa kabaitan mo," natatawang nasabi ni Julia na sinundan naman niya ng pagpuri sa aktor. "'Yung looks niya, obvious na kasi na mabait e. Pero napatunayan niyang totoong mabait siya," dagdag pa niya.

Sina Alden at Julia ay magkasama sa pelikulang 'Five Break-ups and a Romance'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel