Miles Ocampo, nagpasalamat sa lahat ng suportang natanggap

Miles Ocampo, nagpasalamat sa lahat ng suportang natanggap

- Nagpost si Miles Ocampo sa unang pagkakataon tungkol sa kanyang pinagdaanang health emergency

- Ayon sa kanyang naibahagi ay napag-alaman nilang nagkaroon siya ng Papillary Thyroid Carcinoma

- Sumailalim na siya sa Thyroidectomy surgery para matanggal ang kanyang thyroid glands para hindi na lumala ang kanyang kondisyon

- Pinasalamatan niya ang lahat ng taong aniya'y naging bahagi ng kanyang journey para labanan ang kanyang sakit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Miles Ocampo sa Instagram sa unang pagkakataon kaugnay sa kanyang health emergency. Matapos niyang makaramdam ng mga hindi pangkaraniwang sintomas ay nagpasuri siya at napag-alaman nilang nagkaroon siya ng Papillary Thyroid Carcinoma.

Miles Ocampo, nagpasalamat sa lahat ng suportang natanggap
Miles Ocampo, nagpasalamat sa lahat ng suportang natanggap (@milesocampo)
Source: Instagram

Agad siyang sumailim sa operasyon para matanggal ang kanyang thyroid glands. Pinasalamatan niya ang lahat ng taong aniya'y naging bahagi ng kanyang journey para labanan ang kanyang sakit.

Read also

Kris Aquino, nabanggit na hindi pa rin nakakakain; nilinaw na wala siyang cancer

Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang kanyang pamilya, mga kaibigan at maging ang talent management ni Maja Salvador. Pinayagan din umano siya ng kanyang management na isapubliko ang kanyang pinagdadaanan.

To my @crownartistmgmt family: ate Maj, kuya Rambo, ate Mikki.. thank you for being with me, for always messaging me to remind me that everything will be alright, and for giving me the green light to share all of this.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Camille Tan Hojilla o mas kilala bilang si Miles Ocampo ay isang Filipina actress, model, writer at TV host. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN youth-oriented gag show na Goin' Bulilit. Bago siya naging CAM talent isa siyang Star Magic talent. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.

Read also

Fashion blogger na si Bryan Boy, deadma na sa rice; ibinida ang "Fendi pasta"

Matatandaang hindi napigilan ni Miles na maluha dahil sa kabi-kabilang papuring natatanggap niya sa pagganap sa 'Batang Quiapo'. Matatandaang sa Pilot episode ng nasabing serye, isa sa binigyang puri ang husay sa pag-arte ni Miles. Aniya, weakness niya raw umano ang mga nagsasabing na-appreciate siya ng mga tao lalo na at binibigay niya talaga ang lahat pagdating sa pag-arte. Talagang nagtrending ang kanyang pagganap na serye na hanggang ngayon, nakababasa pa rin umano siya ng mga papuri sa kanya sa Batang Quiapo.

Matatandaang naibahagi ni Miles sa kanyang guesting sa 'Magandang buhay' ang naging health emergency niya kung saan kinailangan niyang magpaopera. Ani Miles, mabuti at naagapan niya at nakapagpaopera kaagad dahil maari umanong lumala ang kanyang kondisyon na may kinalaman sa kanyang thyroid. Naging palaisipan umano sa kanya noong palagi siyang hinihingal at nadadagdagan ang timbang niya kahit aniya ay ginagawa naman niya ang dapat niyang gawin. Kaya naman, napagpasyahan niyang magpasuri at doon nasabi sa kanya na kailangan niya nang magpaopera kaagad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate