Angelica Panganiban at Baby Bean, kinaaliwan sa kanilang lambingan
- Nagbahagi si Angelica Panganiban ng bagong vlog na maiksi lamang ngunit kinaaliwan ng kanyang mga subscribers
- Makikita silang dalawa ni Greg habang nasa gitna ng daanan dahil nasira ang gulong ng kanilang sasakyan habang papunta sila sa appointment ni Angge
- Nang makauwi ay agad na pinakita ni Angelica ang lambingan nilang mag-ina na talaga namang kinaaliwan ng mga viewers niya
- Nabanggit ng kanilang kasama sa bahay na nakita umano niyang marunong nang tumayo mag-isa si Bean sa kanyang crib
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Muling pinanggigilan ang kakyutan ni Baby Bean ng mga viewers ng vlog ni Angelica Panganiban. Sa bagong video na binahagi ni Angge ay muli niyang pinasilip ang ayon sa netizens ay nakakagigil na kakyutan ng anak nina Angelica at Greg Homan.
Sa bagong vlog na binahagi ni Angelica ay nasiraan ang sasakyan nila habang papunta sila sa therapy ni Angge. Naiwan sa bahay nila si Baby Bean. Nang makauwi ay agad na pinakita ni Angelica ang lambingan nilang mag-ina na talaga namang kinaaliwan ng mga viewers niya.
Nabanggit ng kanilang kasama sa bahay na nakita umano niyang marunong nang tumayo mag-isa si Bean sa kanyang crib.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.
Naibahagi ni Angelica ang kanyang mga na-block na numbers dahil sa spam messages at fake job offers na natanggap. Napatanong siya tungkol dito kung madami pa rin ba ang mga spam texts kung bago ang gagamitin mong sim card. Dahil sa kanyang tweet ay marami ang nagbahagi ng kanilang karanasan kaugnay sa pagkakatanggap ng spam messages. Mayroong nagsasabing kahit bago ang sim card ay nakakatanggap pa rin ng maraming text messages mula sa mga di kilalang number.
Sa kanyang vlog noong hindi pa siya nanganganak, humiling si Angelica sa kanyang boyfriend na si Gregg na i-foot massage umano siya nito sa unang araw mismo ng kanyang susunod na pagbubuntis. Ani Gregg, matagal pa naman iyon pero aniya ay okay naman sa kanya na gawin iyon para kay Angge. Mapapanood ito sa The Homans – ang YouTube channel nila ni Gregg kung saan gumawa siya ng Banana Bread Ice Cream. Nakatakdang manganak si Angelica sa unang baby nila ni Gregg na isang baby girl.
Source: KAMI.com.gh