Rob Sy, naglabas ng opisyal na pahayag tungkol sa reklamo ng bullying
- Naglabas ng opisyal na pahayag si Rob Sy matapos ang samu’t saring reaksyon sa publiko kaugnay ng reklamo ng bullying na kinasasangkutan nila ng kanyang pamilya
- Ayon kay Sy, marami ang nagbigay ng suporta ngunit umani rin siya ng kritisismo dahil sa mga larawang kumakalat na nagpapakita sa kanya bilang kontrabida
- Iginiit ni Sy na siya at ang kanyang pamilya ay mapayapang tao at may mga testigo at dokumento na magpapatunay sa tunay na nangyari noong Pebrero 2026
- Humiling siya ng pang-unawa sa publiko at pinaalalahanan ang lahat na iwasan ang paninira at paglalathala ng mga ‘di-awtorisadong larawan lalo na kung may kasamang menor de edad
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng opisyal na pahayag si Rob Sy kaugnay ng kontrobersyal na reklamo ng bullying na kinasasangkutan nila ng kanyang pamilya. Sa kanyang inilabas na statement, binigyang-diin ni Sy na hindi siya kontrabida gaya ng ipinapakita sa mga larawang kumakalat ngayon sa social media.

Source: Facebook
“Marami ang nagbigay ng suporta at panalangin ngunit dahil na rin sa mga larawang inilalabas sa harap ng kamera na shineshare ngayon na nagpapakita sa akin bilang kontrabida, umani rin ako ng mga kritisismo. Nakasisiguro po kayo na sa likod ng camera, ako ay isang mapayapang tao at walang kasalanan sa mga ibinibintang sa amin,” ani Sy.
Dagdag pa niya, maayos nilang pinalalaki ang kanilang anak at may mga testigo at dokumento na magpapatunay sa tunay na nangyari noong Pebrero 2026. “Marami pong testigo at dokumento na magpapatunay kung sino-sino talaga ang nambully—bata man o matanda, kung sino-sino ang binully—bata man o matanda, at kung paano nangyari ang pambu-bully noong February 2026,” paliwanag pa niya.
Sa kanyang pahayag, humiling si Sy ng pang-unawa mula sa publiko. “Sa ngayon, humihiling po ako ng inyong pang-unawa. Iwasan sana natin ang panghuhusga habang hindi pa lumalabas ang buo at tunay na kuwento,” aniya. Pinayuhan din niya ang mga netizens na huwag mag-post ng mga hindi awtorisadong larawan lalo na kung may kasamang menor de edad, dahil ito ay labag sa batas.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay Sy, patuloy silang ginagabayan ni Atty. DJ Jimenez, kilala bilang The Pinoy Street Lawyer Official, sa gitna ng kanilang pinagdaraanan. Sa huli, tiniyak ni Sy na lalabas ang katotohanan sa tamang oras at forum. “Tulad ng ORASAN, sa tamang panahon, oras at forum lalabas po ang lahat ng ito,” pagtatapos niya.
Matatandaang nagsampa ng reklamo sina Quezon City Councilor Alfred Vargas at ang kanyang asawa na si Yasmine laban sa magulang ng isang menor de edad kaugnay ng umano’y bullying sa kanilang anak.
Ang reklamo ay inihain nitong Lunes sa Office of the City Prosecutor ng Manila laban kina Juvelle Bacosa at Robert Vincent Sy, para sa umano’y paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ayon sa reklamo, paulit-ulit na naranasan ng kanilang anak ang umano’y bullying sa swimming training sessions. Kabilang dito ang pagtulak at paghawak sa ilalim ng tubig na umano’y nagdulot ng matinding takot at emosyonal na pinsala sa bata.
“Hindi ito simpleng ng bata”: Alfred Vargas, nagsampa ng reklamo laban sa bullying Sa artikulong ito, nagsampa ng reklamo si Alfred Vargas laban sa bullying na kinasasangkutan ng kanyang anak. Binigyang-diin niya na hindi simpleng isyu ang bullying at dapat itong harapin nang seryoso upang maprotektahan ang mga bata.
Rob Sy, umalma sa reklamong bullying sa kanyang anak Sa naunang ulat, umalma si Rob Sy sa reklamo ng bullying na kinasasangkutan ng kanyang anak. Iginiit niya na hindi sila dapat husgahan agad at may mga ebidensya na magpapatunay sa kanilang panig.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


