Rob Sy, umalma sa reklamong bullying sa kanyang anak

Rob Sy, umalma sa reklamong bullying sa kanyang anak

  • Naglabas ng pahayag si Rob Sy sa Facebook tungkol sa reklamong bullying na isinampa laban sa kanyang pamilya sa Manila City Prosecutor’s Office
  • Ayon kay Sy, tahimik siyang tao na umiiwas sa gulo ngunit napilitan siyang magsalita dahil sa patuloy na pang-aagrabyado sa kanyang pamilya at anak
  • Iginiit niyang hindi totoo ang akusasyon at malinaw na binaliktad ang naratibo, kaya’t buong tapang nilang haharapin ang kaso kasama ang kanyang asawa na si Jovelle
  • Nanawagan siya ng dasal at pang-unawa mula sa pamilya, kaibigan, at publiko, at binigyang-diin na hawak nila ang integridad at katotohanan na hindi nabibili ng posisyon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naglabas ng matinding pahayag si Rob Sy sa kanyang Facebook account kaugnay ng reklamong bullying na isinampa laban sa kanyang pamilya sa Manila City Prosecutor’s Office.

Rob Sy, umalma sa reklamong bullying sa kanyang anak
Rob Sy, umalma sa reklamong bullying sa kanyang anak (📷Rob Sy/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Sy, tahimik siyang tao na umiiwas sa gulo, ngunit napilitan siyang magsalita dahil sa patuloy na pang-aagrabyado sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak. “Tahimik lang po akong tao, ayaw ng Kaaway, ayaw ng Gulo. Kahit pa madalas na naaabuso, Umiiwas pa rin sa Negatibo, dahil laging pinapa-iral ang Kapayapaan at Respeto. Pero sa Patuloy na Pang-aagrabyado sa aking Pamilya, lalo na sa aking Anak, panahon na para basagin ang Katahimikan,” ani Sy.

Read also

DILG Sec Jonvic Remulla, humingi ng dispensa sa lalaking naghahalo lang ng semento na natiketan

Dagdag pa niya, masakit bilang magulang na maakusahan ang kanyang anak ng bullying, lalo na’t hindi totoo ang akusasyon. “Sobrang sakit bilang Magulang na maakusahan ang aking 8-Year-Old na Anak lalo na’t Hindi Totoo at Malinaw na Binaliktad ang Naratibo. Tama na!!! Sobra Na!!! Labis na ang Paninira,” aniya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Buong tapang nilang haharapin ni Jovelle ang kaso at nanawagan sila ng dasal at pang-unawa mula sa kanilang pamilya, kaibigan, at publiko. “IPAGLALABAN PO NAMIN ANG KATOTOHANAN. Wala man po kaming Yaman at Impluwensya, Hawak naman po namin ang Integridad at Katotohanan na Hindi Nabibili ng Posisyon,” dagdag pa ni Sy.

Kalakip ng kanyang post ay ang balita mula GMA News tungkol sa pagsampa ng kaso nina Alfred Vargas at ng kanyang asawa. Ang isyu ay nagdulot ng matinding diskusyon sa social media, kung saan maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang opinyon at suporta sa magkabilang panig.

Si Rob Sy ay isang Actor-Comedian batay sa kanyang social media bio. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng integridad at katotohanan, bagay na hindi umano nabibili ng posisyon o impluwensya. Bilang isang personalidad sa entertainment industry, hindi bago kay Sy ang mata ng publiko.

Sa isang naunang ulat ng Kami.com.ph, nagsampa ng reklamo laban sa bullying sina Alfred Vargas at ang kanyang asawa. Ayon sa kanila, hindi ito simpleng isyu ng bata at dapat seryosohin ang epekto ng bullying sa mga kabataan. Ang kanilang hakbang ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng proteksyon sa mga bata sa loob at labas ng paaralan.

Read also

Relasyon ni Doc Manny sa isang vlogger, naging mitsa ng hiwalayan nila ni Dra. Pie

Samantala, nakisimpatya si Yasmien Kurdi sa pamilya ni Alfred Vargas matapos ang reklamo laban sa bullying. Ayon sa aktres, heartbreaking ang sitwasyon at umaasa siyang maayos itong malulutas. Ang kanyang pahayag ay nagbigay ng suporta at pag-unawa sa mga magulang na dumaranas ng parehong hamon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate