Kuya Lucas, hinangaan ng marami sa pagiging sweet at maalaga sa kanyang baby Bia

Kuya Lucas, hinangaan ng marami sa pagiging sweet at maalaga sa kanyang baby Bia

- Hinangaan ng marami ang pagiging sweet at maalaga ng panganay na anak ni Zeinab Harake na si Lucas sa kapatid nitong si Bia

- Isinama sila ng kanilang Mommy Zeinab sa camping at kitang-kita na nag-enjoy ang mga ito

- Sa video makikita kung paano maging kuya si Lucas kay Bia na madalas ding maikwento ni Zeinab

- Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit ganoon na lamang ang saya ni Zeinab na makitang lumalaki na masaya at maayos ang kanyang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kapansin-pansin ang sweetness ng panganay na anak ni Zeinab Harake sa bunsong kapatid nitong si Bia.

Kuya Lucas, hinangaan ng marami sa pagiging sweet at maalaga sa kanyang baby Bia
Kuya Lucas, Mommy Zeinab and Baby Bia (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isinama sila ng kanilang mommy Zeinab sa camping kung saan mas lalong nasaksihan ng mga nakapanood ng vlog kung paano maging kuya si Lucas kay Bia.

Read also

Angeline Quinto, napag-uusapan na umano ang pagpapakasal: "Pero ayaw kong magmadali"

Makailang beses na makikita pagmamalasakit ni Lucas sa kapatid na pinaaalalahanan pa nito na mag-ingat at baka mahulog at masaktan. Makikita rin kung paano niya kalaruin at lambingin na kaya naman ganoon na lang kasaya ang kanilang Mommy na naisama sila sa paborito niyang lugar.

Maging ang mga netizens ay napansin ito at labis na hinangaan si Kuya Lucas sa kung paano niya itrato ang bunsong kapatid.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sobrang sweet at care ni kuya lucas"
"Grabe ang talino naman ng princess ng zebbies... So sweet rin ni Kuya Lucas"
"Ang sweet ni kuya Lucas nung sinabi kay Bia “don’t go there ha” baka mahulog ka!"
"Nakakaantig ng puso si Kuya Lucas. Very protective sa kapatid niya. You are doing great Zeinab! ang babait ng mga baby mo"

Read also

Angeline Quinto, naiyak nang muling maikwento ang kanyang Mama Bob

"Nakaka-inspire naman ang bait ni Lucas. Sana mapanood din ito ng mga bata na may younger sibling. Kitang-kita yung love niya kay Bia"

Narito ang kabuuan ng masayang family camping ng mga Zebbies:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.4 million subscribers sa kanyang channel.

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs dahil na sa pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak.

Gayundin ang pagmamalasakit niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid at maging ang bumubuo ng kanyang 'Team Zebbies' na itinuturing na rin niya talaga na bahagi ng kanilang pamilya. Madalas ding mamahagi ng tulong si Zeinab sa mga kababayan nating nangangailangan.

Kamakailan, naiikwento sa publiko ni Zeinab ang hindi malilimutang pagkakataon na napaiyak umano siya ng mga anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Saludo rin umano siya sa mga single moms na tulad niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica