Kristel Fulgar, pinasilip ang kanyang endorsement photoshoot sa Korea

Kristel Fulgar, pinasilip ang kanyang endorsement photoshoot sa Korea

- Pinakita ni Kristel Fulgar ang video ng kanyang kauna-unahang endorsement photoshoot sa Korea

- Aminado siyang kinakabahan siya dahil aniya ay hindi niya alam kung ano ang expectation sa kanya ng kanyang makakatrabaho

- Mabilis naman na natapos ang kanilang shoot at base sa pinakitang video ni Kristel ay naging maayos ang kanyang karanasan

- Matatandaang nauna nang naibahagi ni Kristel ang pagkuha sa kanya bilang brand endorser ng hair products na kanyang personal na ginagamit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Kristel Fulgar na kinabahan siya sa kanyang kauna-unahang endorsement photoshoot sa Korea. Sa video na kanyang binahagi ay pinakita niya ang behind-the-scenes na kaganapan sa kanyang photoshoot.

Kristel Fulgar, pinasilip ang kanyang endorsement photoshoot sa Korea
Kristel Fulgar, pinasilip ang kanyang endorsement photoshoot sa Korea (@kristelfulgar)
Source: Instagram

Ani Kristel, marami na rin siyang naging photoshoot sa Pilipinas ngunit aniya ay hindi niya alam kung ano ang expectation sa kanya doon sa naturang photoshoot.

Read also

Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago

Naging mabilis naman ang kanilang photoshoot na ginawa nila nang Linggo dahil iyon lamang ang libreng oras ni Kristel dahil nag-aaral din siya doon.

Pumunta din si Yohan Kim o kilala din bilang si Big Boss at nagdala ng donut para sa lahat ng nagtrabaho para sa photoshoot.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.

Read also

Lumang panayam kay John Estrada, muling nag-viral sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito

Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador. Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto. Naging mabili ito sa kanilang online shops kaya napagpasyahan nilang makipagcollaborate kay Kristel. Pinasalamatan naman ni Kristel ang kanyang mga tagapanood na aniya ay naging dahilan ng bagong oportunidad na ito na dumating sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate