Cristy, nakiusap sa netizens na 'wag na umanong pagsabungin sina Julie Anne at Janine

Cristy, nakiusap sa netizens na 'wag na umanong pagsabungin sina Julie Anne at Janine

- Nakiusap si Cristy Fermin na huwag na umanong pagsabungin pa sina Janine Gutierrez at Julie Anne San Jose

- Ito ay matapos na madalas na maipagkumpara ang dalawa dahil kay Reyver Cruz

- Bagama't may kanya-kanyang rason ang mga netizens kung sino ang mas nakahihigit kaysa sa isa, may kanya-kanya silang husay at galing

- Gayunpaman, iisa lamang umano ang makapagsasabi kung sino nga ba sa dalawa ang perpekto para sa kanya at iyo ay si Rayver

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa YouTube chnanel nilang Showbiz Now Na! ang tungkol sa pagkukumparang nagaganap sa pagitan nina Janine Gutierrez at Julie Anne San Jose.

Cristy, nakiusap sa netizens na 'wag na umanong pagsabungin sina Julie Anne at Janine
Julie Anne San Jose (@myjaps)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil umano ex-girlfriend ni Rayver si Janine samantala, si Julie Anne naman ang kasalukuyang kasintahan nito.

Read also

Marco Sison sa pagpanaw ng apo na sana'y GMA artist na: "hanggang dun lang"

"Kahit wala kayong ginagawa, pagkukumparahin. Kasi ang punto ng mga maka-Janine, ay walang-wala. No comparison between the two. Kasi daw si Janine graduate ng Ateneo. nakatapos ng international studies, European studies, Marunong daw siyang mag-German, marunong mag-Italian, marunong mag-French. Samantalang si Julie Anne, wala raw alam kundi kumanta lang," pagbabahagi ni Cristy.

Subalit pagdating naman daw sa pag-arte, tila umangat si Julie Anne lalo na sa katatapos lamang nitong serye, ang Mari Clara at Ibarra.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, si Rayver pa rin naman ang magdedesisyon kung sino nga ba ang nararapat sa kanya.

"Sa dulo po nito, kahit pagsabungin niyo pa si Julie Anne at Janine, isang tao lang po ang magtatakda kung sino sa dalawa ang para sa kanya ay perpekto... Si Rayver Cruz"

Kaya pakiusap ni Cristy, "'Wag niyo na pong pagsabungin. Baka nga magkaibigan pa 'yung dalawa e."

Read also

Priscilla Meirelles, inalmahan ang netizen na tinawag siyang 2nd wife

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Samantala, isa naman Kapuso actress ang todo puri ni Cristy Fermin sa naunang episode niya ng SNN. Ito ay si Barbie Forteza sa pagiging mahusay na artista at mabuting anak. Kaya naman hindi raw umano kataka-takang umaapaw ang mga biyayang kanyang tinatamasa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel