Priscilla Meirelles, inalmahan ang netizen na tinawag siyang 2nd wife

Priscilla Meirelles, inalmahan ang netizen na tinawag siyang 2nd wife

- Nagbahagi si Priscilla Meirelles ng kanyang mensahe sa kanyang asawang si John Estrada

- Isang netizen ang nagkomento at aniya'y may pagtatama siya sa sinabi ni Priscilla sa kanyang mensahe

- Tinawag niyang 2nd wife si Priscilla at agad naman ding sinagot ni Priscilla ang kanyang patutsada

- Ani Priscilla, sa susunod at Tagalog na lang ang ipopost niya para maintindihan ng mga tao kagaya ng naturang netizen na nagkomento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Priscilla Meirelles ang isang netizen na nagkomento sa kanyang post para sa kaarawan ng kanyang asawang si John Estrada.Tinawag niyang 2nd wife si Priscilla at agad naman ding sinagot ni Priscilla ang kanyang patutsada.

Priscilla Meirelles, sinagot ang netizen na tinawag siyang 2nd wife
Priscilla Meirelles, sinagot ang netizen na tinawag siyang 2nd wife (@primeirelles)
Source: Instagram
next time will write in TAGALOG po so that you can understand. obviously you didn't. but in case may ibang wife ng Hindi ko Alam Please pa DM SA AKIN para asikasohin. Lol

Read also

Nathalie Hart, nagbahagi ng pictures nila ng anak niyang si Penelope

Priscilla Meirelles, inalmahan ang netizen na tinawag siyang 2nd wife
Priscilla Meirelles, inalmahan ang netizen na tinawag siyang 2nd wife (@primeirelles)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami naman sa mga netizens ang nagtanggol kay Priscilla laban sa naturang netizen.

Si Priscilla ang kasalukuyang asawa ni John Estrada. Matatandaang ikinasal din siya kay Janice de Bellen ngunit nagkahiwalay sila. Nagkasama sila sa loob ng 9 na taon mula 1993 hanggang 2002. Nabiyayaan sila ng apat na anak, sina Ina, Moira, Kyla at Yuan.

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Barzilian model at beauty queen. Nanalo siya sa Miss Earth pageant noong 2004 na ginanap sa Pilipinas. Matapos ang pagkapanalo ay naging bahagi siya ng showbiz sa bansa at kinalaunan ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 2011.

Naging usap-usapan ang makahulugan at matapang na hashtags na ginamit ni Priscilla kamakailan sa kanyang Instagram post. Kalakip ito ng kanyang picture na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan. Ang caption ng naturang post niya ay kalakip ang mensaheng "not fragile like a flower." Aniya, siya ay parang bomba.

Read also

Gigi De Lana, umalma sa mga bashers: "You can’t bring me down"

Nag-post din siya ng nakakaintrigang payo para sa kanyang Instagram followers at fans. Nagbahagi siya ng tips para sa mga taong aniya'y gusto silang itrato nang tama. Aniya, tama lang at walang masama kung gustuhin na igalang. Ito ay sa kabila ng isyung kinakasangkutan ng kanyang asawa at ang binabanggit nito na nag-entertain umano sa pamilyadong lalaki.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel