Gigi De Lana, umalma sa mga bashers: "You can’t bring me down"

Gigi De Lana, umalma sa mga bashers: "You can’t bring me down"

- Minabuti ni Gigi De Lana na sagutin ang isang video na ginawa ng entertainment Facebook page tungkol sa kanyang pag-change image

- Nasabi sa naturang video na diumano ay para sa ilang netizens ay kinarma si Gigi dahil sa kanyang pagkanta ng awiting 'Unholy' ni Sam Smith at sa pagbago niya sa kanyang image

- Paliwanag ni Gigi ang kantang 'Unholy' ay may mensahe tungkol sa cheating ng asawa

- Sa kabila ng mga komentong ito, sinabi ni Gigi na magpapagaling na lamang siya para mas makapagbigay inspirasyon siya sa pamamagitan ng kanyang pagkanta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Gigi De Lana ang isang video na ginawa ng entertainment Facebook page tungkol sa kanyang pag-change image. Sa kabila ng mga komentong ito, sinabi ni Gigi na magpapagaling na lamang siya para mas makapagbigay inspirasyon siya sa pamamagitan ng kanyang pagkanta.

Read also

Gigi De Lana, nagbenta ng kanyang mga pre-loved na damit habang walang gig

Gigi De Lana, umalma sa mga bashers: "You can’t bring me down"
Gigi De Lana, umalma sa mga bashers: "You can’t bring me down" (@gigidelanaofficial)
Source: Instagram

Nasabi sa naturang video na diumano ay para sa ilang netizens ay kinarma si Gigi dahil sa kanyang pagkanta ng awiting Unholy ni Sam Smith at sa pagbago niya sa kanyang image. Paliwanag ni Gigi ang kantang Unholy ay may mensahe tungkol sa cheating ng asawa.

Grabe to. Haha Meaning ng unholy na kanta ni sam smith is “ nag cheat yung asawa” grabe pati pananampalataya ko nadamay. Grabe pangaapak niyo sa pag ka tao ko recently ah? You just can’t accept change ano?

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Gigi De Lana na unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana ay isang mang-aawit, commercial model, at aktres. Sumikat siya nang sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Naging defending champion siya at kinalaunan ay naging semi-finalist. Kadalasang napapanood ang live gig stream ng kanilang banda na kilala sa pangalang Gigi Vibes.

Read also

Gardo Versoza, nagbahagi ng bagong TikTok video kasama ang asawa

Matatandaang hindi napigilan ni Gigi na maiyak matapos niyang maikwento ang tungkol sa kanyang pagiging heartbroken. Nakwento niya na nagkaroon sila ng konting tampuhan ng kanyang boyfriend na hindi naman humantong sa paghihiwalay. Gayunpaman, nasaktan umano siya sa sinabi ng kanyang boyfriend na nagbago siya at ayon kay Gigi masakit para sa kanya na siya ang dahilan noon. Ito ay naganap sa launching ng unang single niyang “Sakalam” kasama ang Gigi Vibes Band.

Samantala ibinahagi ni Gigi na sa kanyang tinatamasang tagumpay at kasikatan, bahagi iyon ng pinangarap ng kanyang ina para sa kanya. Kabilang umano sa pangarap ng ina para sa kanya ay maging artista siya at magkaroon ng sariling billboard. Kaya naman, nang masabi niya umano sa ina na nasa isang commercial shoot siya ay binati siya nito. Naibahagi din ng mang-aawit ang pakikipaglaban ng kanyang mahal na ina sa sakit na cancer.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel