Gigi De Lana, nagbenta ng kanyang mga pre-loved na damit habang walang gig

Gigi De Lana, nagbenta ng kanyang mga pre-loved na damit habang walang gig

- Kinabiliban sa Gigi De Lana dahil sa pagiging madiskarte nito at matatag sa gitna ng kanyang pinagdadaanan

- Pinagbawalan siya ng doktor niya na huwag munang kumanta at magsalita dahil sa kundisyon ng kanyang lalamunan

- Kaya naman sa kanyang live selling ay sinusulat na lamang niya ang kanyang gustong sabihin at may mga kasama siyang tumutulong sa kanya

- Matatandaang nauna nang naisapubliko ni Gigi ang tungkol sa pagpapahinga niya pansamantala sa pagkanta upang magpagaling sa kanyang throat nodules

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-live selling si Gigi De Lana ng kanyang mga pre-loved na damit habang aniya'y wala pang magawa dahil wala pa siyang mga gig. Habang nagpapagaling sa kanyang throat nodules ay pinagbawalan siya ng doktor niya na magsalita.

Gigi De Lana, nagbenta ng kanyang mga pre-loved na damit habang walang gig
Gigi De Lana, nagbenta ng kanyang mga pre-loved na damit habang walang gig (@gigidelanaofficial)
Source: Instagram

Dahil nga bawal pa magsalita, sinulat na lang ni Gigi ang kanyang gustong sabihin habang nag-la-live selling. Marami ang bumilib sa kanya na kahit may pinagdadaanan ay nanatili siyang masayahin at madiskarte.

Read also

Gigi De Lana, umalma sa mga bashers: "You can’t bring me down"

Naibahagi na rin ni Gigi sa kaya siya nagtatrabaho at kumakayod ay para sa kanyang ina na lumalaban sa sakit na cancer.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Gigi De Lana na unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana ay isang mang-aawit, commercial model, at aktres. Sumikat siya nang sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Naging defending champion siya at kinalaunan ay naging semi-finalist. Kadalasang napapanood ang live gig stream ng kanilang banda na kilala sa pangalang Gigi Vibes.

Matatandaang hindi napigilan ni Gigi na maiyak matapos niyang maikwento ang tungkol sa kanyang pagiging heartbroken. Nakwento niya na nagkaroon sila ng konting tampuhan ng kanyang boyfriend na hindi naman humantong sa paghihiwalay. Gayunpaman, nasaktan umano siya sa sinabi ng kanyang boyfriend na nagbago siya at ayon kay Gigi masakit para sa kanya na siya ang dahilan noon. Ito ay naganap sa launching ng unang single niyang “Sakalam” kasama ang Gigi Vibes Band.

Read also

Vanessa Raval sa kanyang ama: "Yung ginawa mo sakin hindi ko matatanggap"

Samantala ibinahagi ni Gigi na sa kanyang tinatamasang tagumpay at kasikatan, bahagi iyon ng pinangarap ng kanyang ina para sa kanya. Kabilang umano sa pangarap ng ina para sa kanya ay maging artista siya at magkaroon ng sariling billboard. Kaya naman, nang masabi niya umano sa ina na nasa isang commercial shoot siya ay binati siya nito. Naibahagi din ng mang-aawit ang pakikipaglaban ng kanyang mahal na ina sa sakit na cancer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel