Cristy, aminadong nakakatakot umanong maging ninang: "Lahat ng inaanak ko nagkakahiwalay"

Cristy, aminadong nakakatakot umanong maging ninang: "Lahat ng inaanak ko nagkakahiwalay"

- Naikwento ni Cristy Fermin na umiiwas na raw umano siya sa mga kumukuha sa kanyang mag-ninang sa kasal

- Isiniwalat niya na ang lahat umano ng mga ikinasal na siya ang ninang ay nakakahiwalay din

- Nilarawan pa niya ang sarili niya na isang pader noong unang buhay niya at hindi isang tulay na nagdudugtong sa mga inaanak sa kasal

- Nagbiro pa ito na kung nais naman na mauwi sa hiwalayan ang kasal, handa naman siyang mag-ninang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang mga magpapakasal umano ngayong taong 2023.

Cristy, aminadong nakakatakot umanong maging ninang: "Lahat ng inaanak ko nagkakahiwalay"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na doon naikwento ni Cristy ang tungkol sa pagtanggi na niya sa mga kumukuha sana sa kanya bilang ninang sa kasal.

Read also

Cristy, todo puri si Barbie Forteza: "Kasing kinis ng iyong kutis ang paghanga namin sa'yo"

Ito umano ay dahil sa lahat daw ng nahahawakan niya sa mga kasalan, nauuwi rin sa hiwalayan.

"Lalong tumatanggi na ako ngayon para mag-ninang. Kasi alam mo talaga pagka binilang ko talaga, lahat ng inaanak ko nagkakahiwalay kaya 'wag niyo po akong kukunin. Hindi biro. Nakaktakot po talaga ako maging ninang. Ngayon kung may galit ka sa mga artista, ipagpilitan mo na ako ang maging ninang nang magkahiwalay sila. Charot!" makulit na pagsisiwalat ni Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, pabiro naman niyang nasabi na kung nais na mauwi sa hiwalayan ang kasalan, kunin umano siyang ninang.

"'Wag na wag niyo po akong kukunin. Sayang ang inyong relasyon. Pero kung gusto niyo po na hiwalayan ang inyong asawa niyo, ang pakaksalan niyo, Go!"

"Sa nakaraang buhay siguro, ako'y isang pader. Hindi ako naging isang tulay," dagdag pa niya.

Read also

Ivana, hindi pa raw handang makipag-date muli: "Natatakot ako sa mga napapanood ko"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! todo puri ni Cristy si Barbie Forteza sa pagiging mahusay nitong artista at mabuting anak. Kaya naman hindi kataka-takang umaapaw ang mga biyayang kanyang tinatamasa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel