Ivana, hindi pa raw handang makipag-date muli: "Natatakot ako sa mga napapanood ko"

Ivana, hindi pa raw handang makipag-date muli: "Natatakot ako sa mga napapanood ko"

- Hindi pa raw handa muli si Ivana Alawi na makipag-date lalo na ang pumasok sa isang relasyon

- Isa ito sa naitanong sa kanya ng kapatid na si Mona gayung marami-rami rin ang nais malaman ang relationship status ni Ivana

- Gayunpaman, nabanggit niyang mayroon siyang nakakatext subalit wala ang date na tipong lalabas sila

- Ayon pa kay Ivana maaring sa susunod na taon, medyo ready na umano siyang makipag-date muli

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Single na single daw ngayon si Ivana Alawi na na hindi pa raw umano ready na makipag-date muli.

Ivana, hindi pa raw handang makipag-date muli: "Natatakot ako sa mga napapanood ko"
Ivana Alawi
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naitanong sa kanya ng kapatid na si Mona sa kanilang maiksing Q&A sa kanyang vlog.

Ani Mona, alam niyang marami rin ang nais malaman ang relationship status ngayon ni Ivana kaya minabuti niyang tanungin na mismo ang kanyang ate tungkol dito.

Read also

Zeinab Harake, ibinahagi ang larawan ng mga anak na sina Bia at Lucas: "Sarap niyong tingnan"

"Wala na talaga kahit dinner. As in, pero may text. Pero dinner, lumalabas, hindi pa," sagot naman ni Ivana.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marahil next year na lamang siya muli mag-entertain ng maaring maka-date gayung maaring 'medyo ready' na raw siya sa mga panahong iyon.

Aniya, tila natatakot daw kasi siya sa kanyang mga napanood kung saan madalas ang tema ay tungkol umano sa mga hiwalayan.

"Wala lang natatakot lang ako sa mga napapanood ko saka mga nakikita ko naghihiwalay," paliwanag ni Ivana.

Narito ang kabuuan ng kanyang bagong vlog mula sa kanyan YouTube channel na Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Angelica Panganiban, pabirong ibinida si Greg: "Humanap kayo ng jowang nauutusan"

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Lalong-lalo na noong kasagsagan ng pandemya, isa si Ivana na bagama't nag-iingat na hindi magkaroon ng COVID-19, gumagawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa mga kababayang labis na naaapektuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel