Cristy, di naniniwalang umeksena umano si Direk Paul sa presscon ni Vanessa Hudgens
- Hindi raw umano naniniwala si Cristy Fermin na may kakaibang ugaling ipinakita 'di umano si Direk Paul Soriano sa press con ni Vanessa Hudgens
- Aniya, ang isang edukadong direktor na tulad ni Direk PAul ay hindi niya sukat akalain na magwawala
- At kung sakaling totoo man daw ang mga naiki-kwento ng press people na naroon sa venue, tila hindi ito maganda
- Nasa bansa ang Fil-Am actress para sa isang travel documentary kung saan si Paul Soriano ang kanyang magiging direktor
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naikwento ni Wendell Alvarez ng Showbiz Now Na! ang nasaksihan umano ng mga press people sa press con ng Fil-Am Hollywood Star na si vanessa Hudgens.
Nalaman ng KAMI na lalo na ang umano'y eksena ni Direk Paul na naging agaw-eksena 'di umano ang sinasabing pagwawala nito.
"Ako kasi kung personal na opinyon ko ang tatanungin nila, di ako makapaniwala. Na ang isang edukadong direktor at tao na tulad ni Direk Paul Soriano ay aabot sa pagwawala," ani Cristy.
At kung sakali man umano na totoo ang mga inaasal na ito ng direktor, hindi naman daw ito dapat nang pamarisan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Parang ano ito e, 'yung kapangyarihan. Lumalabas na kami ang nakaupo ngayon... Kami ang pinakamakapangyarihan dito kaya amin ito. Hindi maganda 'yun 'di ba?" saad ni Cristy.
Gayunpaman, nanghihinayang umano si Cristy sa magandang imahe na naipuhunan na ng direktor. "Kaganda ng imahe ni Direk Paul Soriano pero ngayon nababahiran ng pagka-nega," giit pa ni Cristy.
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na!:
Si Vanessa Hudgens ay isang Hollywood actress na ngayo'y napili para maging ambassadress for tourism ng Pilipinas. Ito ay dahil mayroon itong lahing Pinoy gayung ang kanyang ina ay isang Filipina. Una siyang nakilala sa High School Musical bilang si Gabriela Montez.
Samantala, si Paul Soriano ay isang direktor at mister ng sinasabing "Ultimate Multimedia Superstar" na si Toni Gonzaga. Isa sa pinakahuling pelikulang nagawa nito ay ang My Teacher na pinagbidahan ng kanyang misis. Siya rin ang tinaguriang Presidential Adviser for Creative Communications.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh