Jerald Napoles, todo tanggol sa GF na si Kim Molina sa basher

Jerald Napoles, todo tanggol sa GF na si Kim Molina sa basher

- Ipinagtanggol ni Jerald Napoles ang girlfriend na si Kim Molina mula sa isang basher

- Tila kinuwestyon nito ang pagganap ni Kim sa musical na Zsa Zsa Zaturnah

- Ayon kay Jerald marami na ang pumuri sa kanyang girlfriend at tanging ang basher lang daw na ito ang kumwestyon kay Kim

- Si Kim Molina ang pinakabagong gumaganap na Zsa Zsa Zaturnah na unang ginampanan nina Zsa Zsa Padilla at Eula Valdez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo tanggol si Jerald Napoles sa girlfriend na si Kim Molina sa isang basher na umano'y kumwestyon sa pagganap nito bilang Zsa Zsa Zaturnah.

Jerald Napoles, todo tanggol sa GF na si Kim Molina sa basher
Jerald Napoles and Kim Molina (Jerald Napoles)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sinagot ni Jerald ang komento ng netizen na nagsabing 'Why hire Kim?' gayung ang unang mga gumanap bilang Zsa Zsa Zaturnah ay sina Zsa Zsa Padilla at Eula Valdez.

Read also

Jolina, sa throwback photo kasama sina Boy at Kris: "'Nung uso ang one line na kilay"

"Zsa Zsa Zaturnah was supposed to be really pretty like a goddess like Zsa Zsa Padilla and Eula Valdez who played that role. Why hire Kim?" ayon sa netizen.

Sinabi ni Jerald na marami na umanong pumupuri kay Kim sa pagganap nito at bukod tanging ang basher lamang na ito na nilarawan niyang may 'limited standard of beauty' para masabi ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kim is one of the most beautiful and most empowered artists that fits the role as it should be. I wish you have seen how she did it and how she looked before putting your self entitled comment here,
"You are the only one criticizing her without even watching the performance. Initiating superficial judgment giving bias to your limited standard of beauty," ang bahagi pa ng komento nito.

Read also

Solenn Heussaff, nawindang nang tumutol ang anak na may magpa-picture sa kanya

Narito ang kabuuan ng naging kasagutan ni Jerald sa naturang netizen:

Si Jerald Napoles ay isa sa mga kilalang theater actor at komedyante sa Pilipinas. Nakilala siya nang gampanan niya ang karakter ni "Tolits" sa musical play na 'Rak of Aegis.' Doon, nakilala niya ang kanyang nobya na si Kim Molina.

Samantala, Kimverlie "Kim" Soriano Molina, o mas kilala bilang si Kim Molina ay isang Filipina singer at actress na unang nakilala sa husay ng pagganap niya bilang si Aileen sa long-running Filipino stage musical na 'Rak Of Aegis', Savannah sa drama series 'Kadenang Ginto', Peng sa digital iWant movie na 'MOMOL Nights', at Elsa sa mainstream film na #Jowable kung saan isa na siya sa mga box-office actress dahil tumabo ang kita ng pelikula ng Php100 million.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel