Francine Diaz, pinasilip ang kanyang paghahanda para sa Star Magic Prom

Francine Diaz, pinasilip ang kanyang paghahanda para sa Star Magic Prom

- Pinasilip ni Francine Diaz ang kanyang naging paghahanda sa ginanap na Star Magic Prom kamakailan

- Makikita na maging sa styling at pag-disenyo ng kanyang gown ay tutok si Francine at abot-abot ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong sa kanya

-Naibahagi niya rin na ideya niya ang maglagay ng feathers sa kanyang gown na talaga namang bumagay sa kanya

- Makikita din sa video ang ginawa ng kanyang glam team bago sila tumungo ni Seth sa venue ng prom

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Francine Diaz ang ginawa niyang paghahanda para sa Star Magic Prom. Sa kanyang pinakabagong vlog ay pinasilip niya ang proseso mula sa pagdisenyo ng kanyang susuotin hanggang sa pag-ayos sa kanya bago ang prom.

Francine Diaz, pinasilip ang kanyang preparation para sa Star Magic Prom
Francine Diaz, pinasilip ang kanyang preparation para sa Star Magic Prom (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Base sa kanyang binahaging video ay nagbahagi din ng kanyang suggestions si Francine pagdating sa disenyo ng kanyang gown. Habang inaayusan si Francine ng kanyang glam team bago ang prom ay dumating si Seth Fedelin para sabay silang tumungo sa venue ng prom. Ani Seth, kinakabahan siya ngunit aniya ay siya ang bahala kay Francine.

Read also

Francine Diaz, hindi makakadalo sa event ng Dirty Linen dahil sa injury

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel