Krystal Mejes, agaw-pansin ang mala-Julia Montes na kagandahan ayon sa netizens

Krystal Mejes, agaw-pansin ang mala-Julia Montes na kagandahan ayon sa netizens

- Naging usap-usapan si Krystal Mejes at iba pang child star matapos silang maipakilalang muli sa publiko sa ginanap na star Magic Prom

- Matapos kasi ng pandemya ay hindi napayagang makapagtrabaho ang mga bata kaya pansamantalang hindi napanood ang mga child stars

- Kaya namang nang muli silang makita ng publiko ay marami ang nagulat sa malaking pagbabago sa mga ito dahil mga binata at dalaga na

- Marami naman ang nakapansin sa ganda ni Krystal Mejes na ayon sa marami ay kahawig ni Julia Montes na gumanap bilang kanyang ina sa seryeng Doble Kara

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang nakapansin kay Krystal mejes sa ginanap na Star Magic Prom kamakailan. Karamihan sa mga netizens ay napansin ang pagkakahawig niya kay Julia Montes.

Krystal Mejes, agaw-pansin ang mala-Julia Montes na kagandahan ayon sa netizens
Krystal Mejes, agaw-pansin ang mala-Julia Montes na kagandahan ayon sa netizens (@montesjulia08)
Source: Instagram

Matatandaang gumanap sila bilang mag-ina sa seryeng Dobe Kara noong 2016. Gayunpaman, matagal na rin na hindi napanood ang mga dating child star kaya marami ang nagulat nang muli silang makita sa Star Magic Prom kamakailan. Matatandaang dahil sa pandemya ay naging limitado ang maaring lumabas at ang mga bata ay kinailangang tumigil sa trabaho.

Read also

Lahat ng commercials ni Coco Martin, lumipat na sa TVJ - Cristy Fermin

Narito ang mga komento ng netizens sa Star Magic Prom pictures ni Krystal:

Kamukhang kamukha ni @montesjulia08 for sure proud momma yan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Shesshhh your so pretty baby doll para ka talagang manika
You look like a royal princess❤️ so pretty!!!!

Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".

Matatandaang naging usapan sa Showbiz Now Na! ang 'di umano'y pagdadalang-tao ni Julia Montes. Ito ay kasunod ng napapabalitang pagbabakasyon umano nina Coco Martin at Julia sa Europa. Bagama't kinakailangan daw talaga ito lalo na ng aktor, hindi nawala sa isip nina Cristy Fermin ang sinasabing kalagayan ngayon ni Julia. Marami na umanong napagtanungan si Cristy at napansin din ang malalayong shot kay Julia sa pagtatapos ng "FPJ Ang probinsyano.

Read also

Derek Ramsay, napa-mura sa kaba sa canyon swing experience nila ni Ellen Adarna

Ayon kay Dimples Romana, nag-post siya ng "ayuda" para pampaganda ng gabi ng mga kagaya niyang CocoJuls fans. Maririnig ang lakas ng tawa ni Dimples sa naturang video dahil umano sa kanyang kilig kina Julia Montes at Coco Martin. Makikita sa naturang video na nakikipagbiruan din si Coco na kinalaunan ay sinabi ni Dimples na "hiyang-hiya si Coco" matapos nitong makuhanan ng video na sumayaw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate