Cristy, sang-ayon sa ina ni Jake Zyrus: "Si Charice Pempengco ay Charice Pempengco"

Cristy, sang-ayon sa ina ni Jake Zyrus: "Si Charice Pempengco ay Charice Pempengco"

- Sang-ayon umano si Cristy Fermin sa umano'y komento ni Raquel Pempengco, ina ni Charice Pempengco na ngayo'y kilala bilang Jake Zyrus

- Ito ay kaugnay sa show kamakailan ni David Foster sa Pilipinas kung saan naikumpara 'di umano ang performance ni Morissette Amon kay Charice

- Nasabi ni Raquel na nag-iisa lang umano ang Charice Pempengco sa Pilipinas

- Si Charice Pempengco ay madalas noong makasama ni David Foster sa mga konsiyerto at labis niya itong ipinagmamalaki

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Cristy Fermin na sang-ayon umano siya sa nasabi kamakailan ni Raquel Pempengco tungkol sa kanyang anak na si Charice na ngayo'y kilala na bilang si Jake Zyrus.

Cristy, sang-ayon sa ina ni Jake Zyrus: "Si Charice Pempengco ay Charice Pempengco"
Jame Zyrus (@jakezyrusmusic)
Source: Instagram

Nalaman ng na sa bagong episode ng Showbiz Now Na! ibinahagi nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez ang umano'y komento ni Raquel sa concert ni David Foster.

Read also

Raquel Pempengco, binahagi ang video ng pagkanta nina Morisette at Charice

Partikular na di umano ang naging performance ni Morisette Amon na kanyang naikumpara sa dating pagtatanghal ni Charice.

"Meron pong ipinanganak na isyu na nagmula sa mismong ina ni Charice Pempengco... Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa sa umano'y post ni Raquel, kahit kanino pa raw ipakanta ng Music producer na si David Foster ang kanyang mga awitin, hindi raw ito mabibigyang hustisya nino man.

"Sumasang-ayon ako kay Aling Raquel. Kahit kanino pa ikumpara, talagang si Charice Pempengco ay Charice PempengcoKinabog niya ang halos lahat ng mga stage performers ng kanyang kasagsagan.

Gayunpaman, meron daw sana umanong kumausap kay Jake upang sana'y ibalik na lamang ang dating timbre ng boses niya. Ito ay dahil sa marami talaga ang humanga noon kay Charice sa takento nito sa pag-awit.

Read also

David Licauco sa paghinto niya umano sa basketball: "My best friend died"

"Sana lang ano, merong makapagpayo kay Charice Pempengco na ibalik niya 'yung tono, 'yung galaw, 'yung galing at talento bilang Charice Pempengco."

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.

Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel