Cristy ni David Foster sa Pinas na wala si Jake Zyrus: "Palagay ko may problema talaga"

Cristy ni David Foster sa Pinas na wala si Jake Zyrus: "Palagay ko may problema talaga"

- Wala umano si Jake Zyrus sa mga makakasama ni David Foster sa kanyang concert sa Marso sa Pilipinas

- Ilan sa mga Pinoy performers na kanyang makakasama ay sina Morisette Amon at Martin NIevera

- Ani Critsy, maaring may problema nga umano ang dalawa lalo na nang tuluyang magbago si Jake mula sa pagiging si Charice

- Matatandaang minsan nang ibinalita ni Cristy ang tungkol umano sa pagtanggi na ni David na tulungan at suportahan muli si Jake

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi kasama si Jake Zyrus sa listahan ng performers na makakasama ni David Foster sa ilang gabi ng kanyang concert dito sa Pilipinas sa Marso.

Cristy sa concert ni David Foster sa Pinas na wala si Jake Zyrus: "Palagay ko may problema talaga"
Jake Zyrus (@jakezyrusmusic)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napansin umano ito ni Cristy Fermin at natalakay sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ngayong Enero 31.

Read also

Cristy Fermin sa nababalitang bagong BF ni KC: "Ito pala ay manager ng isang malaking kompanya"

Aniya, ilan sa mga magtatanghal kasama si David ay sina Morisette Amon at Maritn Nievera.

At bilang maituturing na mentor si David ni Jake na dating si Charice Pempengco, nakapagtatakang wala umano ito sa show na tatanghalin pa naman dito sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Saka ibinalita na natin sa isa sa mga episodes natin na parang lumapit siya kay David, pero harang. Syempre naman ikaw ba nagpakahirap ka sa karera ng isang tao tapos ganito ang kinauwian," ani Cristy.

Matatandaang minsan na ring naiulat ng SNN ang umano'y paghingi ng tulong o suporta ni Jake kay David.

Ang nakikita nila umanong dahilan, mas gusto pa rin ng kilalang record producer si Charice kaysa kay Jake.

Narito ang kabuuuan ng talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.

Read also

Alex Gonzaga, nanganganib umano sa mga endorsements ani Cristy Fermin

Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel