David Licauco sa paghinto niya umano sa basketball: "My best friend died"

David Licauco sa paghinto niya umano sa basketball: "My best friend died"

- Naikwento ni David Licauco ang tungkol sa trahedya na naging dahilan ng paghinto niya sa basketball

- Inalala ni David kung paano nawala ang kanyang best friend na nagawa pa umano siyang iligtas

- Dahil dito, masasabi niyang second life na niya ito at ngayo'y naunawaan na niya ang dahilan

- Si David Licauco ang gumanap bilang si Fidel sa teleseryeng umani ng papuri sa marami, ang 'Maria Clara at Ibarra'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Idinetalye ni David Licauco ang umano'y dinanas niyang trahedya na naging dahilan ng paghinto niya sa pagba-basketball.

David Licauco sa paghinto niya umano sa pagba-basketball: "My best friend died"
David Licauco bilang si Fidel (@davidlicauco)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bago pa man pasukin ni David ang mundo ng showbiz, basketball talaga ang kinahiligan niya.

Subalit nabago ang lahat noong 2013, na ikinasawi rin ng kanyang matalik na kaibigan.

Read also

Christian Bables sa pagbungisngis sa TV Patrol: "Hirap pigilan ng tawa"

"Basketball player ako, all my life until 2013. Naaksidente kasi kami ng mga kaibigan ko sa SLEX. Na-injure ako tapos my best friend died. 'Yun yung turning point kung bakit din ako nag-stop magbasketball," pagbabalik tanaw ni David.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, ang pumanaw na kaibigan ang siyang tumulong pa sa kanya upang makaligtas. Kaya naman masasabi niyang second life na niya ito ngayon.

"Di ako makaalis kasi hindi ako makagalaw e. So ang nag-save pa sa akin 'yung nag-pass away na friend ko"

Ayon pa kay David, umabot ng tatlong buwan bago siya unti-unti na naka-move on sa nangyari.

Nasa halos tatlong linggo rin umano siyang bedridden noon kaya hindi rin siya nagkaroon ng pagkakataong madalaw agad ang pumanaw na matalik na kaibigan.

"So at that point hindi mo mabisita 'yung best friend mo na kasama mo sa aksidente. That was really tragic for me."

Read also

David Licauco, sa pagtanggap ng role bilang Fidel sa MCI: "Honestly kasi wala na akong pera"

Gayunpaman, alam ni David na kung nasaan man ngayon ang kanyang kaibigan, masaya ito para sa kanya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Inspires:

Si David Licauco ay isang model, aktor at businessman sa Pilipinas. Mas lalong nakilala ang pangalan ni David sa mukha ng showbiz nang gampanan niya ang karakter ni Fidel sa GMA serye na Maria Clara at Ibarra.

Samantala, sa naturang panayam din sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni David kung bakit niya tinaggap ang role bilang Fidel sa nasabing serye.

Aminado siyang papasuko na sana siya noon sa kanyang showbiz career nang maibigay sa kanya ang malaking break na ito sa showbiz na siyang dahilan ng tinatamasa niya ngayong kasikatan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica