Andrea Brillantes, nagpatulong sa Blackpink para sa 'promposal' niya kay Ricci Rivero

Andrea Brillantes, nagpatulong sa Blackpink para sa 'promposal' niya kay Ricci Rivero

- Trending si Andrea Brillantes matapos siyang mapansin nina Lisa at Rose ng K-pop group na Blackpink

- Binasa nila ang dala niyang banner para sa kanyang promposal para sa boyfriend niyang si Ricci Rivero

- Tuwang-tuwa naman sila nang makitang tumango si Ricci bilang pagpapakita ng kanyang pagpayag sa promposal

- Nakatakdang ganapin ang kauna-unahang Star Magic prom ngayong ika-30 ng Marso

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi maitago ni Andrea Brillantes ang kanyang kasiyahan nang mapansin siya ng kanyang idolo na Blackpink matapos niyang magdala ng banner sa concert ng K-pop group. Binasa nila ang banner ni Andrea para sa kanyang promposal para sa boyfriend niyang si Ricci Rivero.

Andrea Brillantes, nagpatulong sa Blackpink para sa 'promposal' niya kay Ricci Rivero
Andrea Brillantes, nagpatulong sa Blackpink para sa 'promposal' niya kay Ricci Rivero (@blythe)
Source: Instagram

Napansina nina Lisa at Rose ang hawak niyang banner na nakasulat sa Korean. Matapos mapansin ng mga ito ang kanyang banner ay itinaas niya ang dilaw na banner kung saan nakasulat ang kanyang pagtatanong kay Ricci kung pwede itong maging partner ni Andrea sa prom.

Read also

Toni Fowler, sinorpresa si Tyronia ng trip to Singapore para sa birthday nito

Nakatakdang ganapin ang kauna-unahang Star Magic prom ngayong ika-30 ng Marso. Natuwa naman ang miyembro ng Blackpink nang makitang umo-o si Ricci sa proposal. Binati pa nila ang dalawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel