Rendon Labador, dismayado dahil walang bumili ng ticket sa grand opening ng negosyo nya

Rendon Labador, dismayado dahil walang bumili ng ticket sa grand opening ng negosyo nya

- Dsmayado si Rendon labador matapos daw walang bumili ng ticket para sa kanyang grand opening para sa kanyang negosyo

- Napatanong pa ito kung lahat daw ba ay fans ni Coco Martin na nitong mga nakaraan ay kanyang pinupuna

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang kaugnay ito sa umano'y mga nagrereklamong vendor sa Quiapo na naapektuhan ang benta dahil sa shooting ng seryeng FPJ's Batang Quiapo

- Sa huling sagot ni Coco ay sinabi niyang mayroon silang kaukulang permiso sa otoridad bago sila nakapag-shoot sa Quiapo

Nadismaya si Rendon Labador dahil aniya ay walang bumili ng ticket para sa grand opening ng kanyang negodyo. Napatanong ito kung lahat daw ba ay fans ni Coco Martin kaya walang bumi ng ticket.

Rendon Labador, dismayado dahil walang bumili ng ticket sa grand opening ng negosyo nya
Rendon Labador, dismayado dahil walang bumili ng ticket sa grand opening ng negosyo nya (Rendon Labador)
Source: Facebook

Ani Rendon, sana ay walang personalan.

Read also

Yassi Pressman, binahagi na siya ay single na; Jon Semira naka-unfollow sa kanya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

WALANG BUMIBILI NG TICKET NAMIN SA GRAND OPENING BUKAS.. Bakit kaya? Fans ba lahat kayo ni Coco kaya ayaw ninyo bumili? Wala sanang personalan.

Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang pangbabatikos niya kay Coco Martin kaugnay sa umano'y mga vendors na nagrereklamo dahil naapektuhan ang kanilang benta dahil sa shooting ng serye ni Coco.

Sa isang panayam sa TV-5 ay sinabi naman ni Coco na bago sila mag-umpisang mag-shoot ay kumuha sila ng permit mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

Miss Grace, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging 'legally single'

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel