Cristy, sinabing natumbok na umano ang sakit ni Kris dahil sa sikat na sikat na Indian doctor

Cristy, sinabing natumbok na umano ang sakit ni Kris dahil sa sikat na sikat na Indian doctor

- Isa umanong sikat na Indian doctor ang nakatumbok ng sakit ni Kris Aquino

- Kilalang-kilala raw ang doctor na ito lalo na sa mga mayayamang tao sa buong mundo

- Dahil dito, sinasabing bumubuti na lalo ang kalagayan ni Kris matapos ang ilang buwang paghahanap ng lunas sa karamdaman

- Matatandaang nito lamang Pebrero, marami ang umano'y natuwa nang makitang nakapasyal na si Kris Aquino sa Disneyland kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Magandang balita umano ang hatid nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez tungkol sa bumubuting kalagayan ni Kris Aquino.

Cristy, sinabing natumbok na umano ang sakit ni Kris dahil sa sikat na Indian doctor na dinayo nito
Si Kris Aquino kasama si Dr. Suhir Gupta (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Ayon umano sa source ni Cristy Fermin, maayos na ngayon ang lagay ni Kris dahil natumbok na umano ang sakit na matagal-tagal din bago natuklasan.

Read also

Ogie D, nabanggit na binalikan ng netizens ang umano'y tsismis noon kina Yassi at Coco

Nalaman ng KAMI na isa umanong source ni Cristy ang nagkumpirmang dinayo pa ni Kris ang isang Indian doctor na siyang naging daan sa mas tamang gamutan para sa kanya.

"Mayroon pong nakapagparating sa amin na isang kaibigan na natumbok na kung saan nanggagaling ang allergies ni Kris Aquino"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ito po ay dahil kay Doctor Sudhir Gupta. Ito po 'yung Indian doctor na talaga pong dinadayo ng mayayaman sa buong mundo. Napakaganda na raw po ngayon ng kondisyon ni Kris Aquino," pagbabahagi ni Cristy.

Aniya, marami na umanong gumaling sa pagkonsulta at pangangalaga ni Dr. Gupta lalong-lalo na ang mga kilala at prominenteng tao sa buong mundo.

Kaya naman inaasahan nila na sa lalong madaling panahon ay gagaling si Kris at makababalik na rin ito sa bansa.

Read also

Cristy ipinagtanggol si Bea sa 'ghosting' issue: "Meron po siyang karapatan na magsalita"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa Pilipinas. Kasalukuyan siyang namamayagpag sa kanyang mga YouTube channel na Cristy Ferminute at Showbiz Now Na!

Matatandaang nito lamang Pebrero, sa ika-52 kaarawan ni Kris ay gumawa ng ingay ang mga larawan at video na ibinahagi ni Vice Governor Mark Leviste. Bumiyahe pa kasi ito mula Pilipinas patungong Amerika upang makapiling 'di umano si Kris sa kaarawan nito.

Gayunpaman, si Kris mismo ang nagbigay linaw na pawang kaibigan lamang niya si Mark taliwas sa inaakala ng marami na mayroon silang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel